Vacation {CHAPTER 11}

6 0 0
                                    


HATE TO LOVE YOU

We spent the whole week, making it the most unforgettable week of all time. Malungkot maglet go pero kailangan hoyy gumaganon! It's already Saturday and napagusapan namin na magsleepover kaming apat dito sa bahay namin since hindi makakauwi ngayon sila mama. Nanonood lang muna ako ng tv dahil maaga pa naman para magpuntahan dito yung mga friends ko pero mali ako dzai may kumatok na agad.

"Giaa!!' bati ni Cayden na nasa pinto na agad, jusko 4pm pa lang. 

"Ang aga mo, wala ka bang magawa sa inyo?" pabiro kong siya tinanong.

"Lonely din ako simula kaninang umaga don, busy silang lahat, as usual."

"Aww wag na malungkot ang tyanak na yan" pangaasar ko na nakapaawang expression ang mukha.

"Bully!"

Tawang tawa ako sa reaksyon niya. Tipong parang gusto na magsumbong kay Shaira BWAHAHAHAHA. Naghanda muna ako ng merienda namin. Habang si Cayden enjoy na enjoy sa panonood ng series na pinanonood ko kanina pa. Hindi din nagtagal after naming magmerienda ay dumating na din si Shaira at Kristen. Nagtulong-tulong na kami magprepare ng dinner. By 7 in the evening kumain na kami ng dinner at biglang may kumatok nanaman.

"Luh! Kung kailan talaga kumakain?!" reaksyon ni Kristen na sarap na sarap kumain.

"Gia, I thought sabi mo di uuwi this weekend sila tita at tito?" curios na tanong ni Shaira.

"Akala ko din, wait check ko." sagot ko naman.

Pumunta na ako sa sala at agad na binuksan ang pinto, hindi naman ata pwedeng delivery yun dahil gabi na ha. At tama nga ako hindi siya delivery, si Asher pala. Shocks I'm chewing something pa, stop!!!

"Goodevening, Gia! Excuse ko lang si Cayden kailangan ko lang kausapin." seryosong pakiusap ni Asher. Nginitian ko nalang siya kasi nga puno pa yung BIBIG koo!

"Grabe ka na, Abo hanggang dito nasundan mo pa bebe ko." sabi naman ni Shai. HALA WAIT OMG?!? Abo din nickname na pangasar sa kanya ni Shaira. 

"Hoy! nagkataon lang na andito ko sa bahay ng parents ko noh."

"Oh, Cayden hanap ka." tawag ko naman kay Cayden. Oo, yes nalunok ko na yung kinakain ko kanina HAHAHAHA.

Payapa kaming nagdinner tatlong girls na natira sa loob, Habang yung magtropa naguusap sa labas. Pero nagulat ako, LITERAL sa sinabi ni Cayden kay Asher after nila magusap. 

"Bro, lika baka di ka pa nagdidinner may niluto kami atska may free pang upuan sa dining oh." After kong marinig yung aya ni Cayden kay Asher na buga ko talaga yung juice na iniinom ko! sayang tuloy.

"Hindi pa nga ako nagdidinner, pero nakakahiya naman." sagot naman ni Asher.

"Hindi yan, okay lang naman kay Gia eh, diba?"

"Ahh oo go ahead, feel free." lumingon pa ko sa direksyon nila para ngumiti as a sign na okay lang. Pero honestly di ako prepared jusko, baka malaman pa toh ng girlfriend nun at masabunutan din ako.

Nagkwentuhan lang kaming mga tapos ng kumain. Habang iniintay namin kumain si Asher na gutom na gutom ata.

"Abo! Hinay hinay lang parang di ka kumain ng isang araw ah." pangaasar sa kanya ni Shaira.

"Well....., I think you guessed it right!" SERYOSONG sagot ni Asher.

"Ano?!?!?" nagulat na tanong ni Kristen.

"Oo, hard to believe man pero oo, di ako marunong magluto eh, naka day-off lahat ng kasambahay namin. Tapos sila mom wala pa, galing silang boracay, naiwan lang ako for Yvette and ayaw ko din muna gumala ."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon