My Nightmare's Company {CHAPTER 03}

8 1 0
                                    

HATE TO LOVE YOU

Ilang weeks na din ang nakalipas, bago uli namin naisipang maghang-out ng kaming apat lang, dahil na din ito sa pagiging busy namin sa mga schoolworks namin. Napagisipan namin magpunta ngayon sa BGC, para "magwalwal". Ang outfit ko lang ngayon ay black dress na may puffy sleeves, white heels, white bag at may shades akong dala for porma purposes only. 

"Gia! Over here!" Sigaw ni Cayden, nang makita ako na hinahanap yung sasakyan niya.

"Hey!" Bati ko naman sa kanila.

Walang sumagot sakin, kahit si Kristen na pinagtaka ko kasi madalas ay hyper siya. Nawala ang pagaalala ko kung ano bang nangyari kay Kristen, noong nakita ko ang dalawang magjowa na si Asher at Yvette na katabi sa backseat ni Kristen at pansin din na di komportable si Kristen dahil sa layo ng pagitan nila ni Yvette #Ashette. Tumabi ako kay Kristen habang masama ang tingin kay Cayden, akala ko ba kasi ang usapan kaming apat lang? Are they also part of the squad? No, it can't be.

"The more the merrier right?" sabi ni Cayden, trying to convince me.

"Yes, I guess." sabay ng akward smile ko.

Nagpatuloy ang byahe namin ng tahimik, natulog nalang kami ni Kristen dahil nakakahiya naman sa mga bisita or baka new member ng squad na magingay kami noh. Hindi namin na malayan ay nasa BGC nakaagad kami, around 7pm kami nakarating doon. Naghanap muna kami ng makakainan dahil parang kakain na ng large intestine ko yung small intestine ko, halos lahat kami ay gutom na dahil late na din naman ang 7 para maghapunan. Nagorder lang ako ng steak and ice tea for dinner.

"Uyy, nagulat ba kayo? sinama ko sila Asher para masaya" pagpapaliwanag ni Cayden habang kumakain.

"Oh, I'm sorry guys, Cayden invited us kasi" sabi ni Mr. Nightmare, Asher.

"It's fine." sabi ko at nagkatinginan kami ni Asher habang nagsasalita.

"Gosh! You?! The girl from the first day who spilled all my coffee!?" sigaw niya.

"Yes! and what's the problem? You're the one na hindi tumitingin sa dinadaanan!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

"Stop it, you two!" sabi naman ng girlfriend niyang si Yvette.

"Kaya nga! Let's have fun here in Manila!" sabi ni Shaira.

"I did not start it." I coldly said.

"Yes, please babe?" pagpapaawa ni Yvette sa jowa niya.

"Fine, I love you!" sabay halik ni Asher sa pisngi ni Yvette.

"Mahiya naman kayo sa mga  single, like Gia oh!" seryosong sabi ni Kristen.

"Bakit? Ikaw ba? Single ka din ah." sabi ko.

After namin magdinner, agad kaming nagtingin ng mga shops dito, para maghanap ng pangpasalubong atska para makabili na din kami ng mga gusto namin. After non we went to a bar, then as I said kanina nagwalwal kami, ngayon lang naman. Pero pansin ko pa din kay Kristen hanggang ngayon na parang may iba, hindi ito tungkol sa pagsama nila Asher, magsasaya lang muna ako ng konti at kakausapin ko na siya.

"Sorry Gia, nainvite na ni Cayden si Ash and Yve bago niya sabihin sakin." sabi ni Shaira.

"No, no. It's fine, di naman na nila ako inaano."

"That's good to know!" sabay ngiti niya.

"Anyway, alam mo ba bat ganon si Kristen? She didn't speak to me since sa byahe. Is she mad at me?" tanong ko.

"No, tingin ko she's just having a problem, ganon din siya samin ni Cayden after namin siyang sunduin."

"Okay, kakausapin ko nalang mamaya, Let's have fun shall we?"

"Sige, good idea!"

Pinatugtog ng DJ ang kantang favorite kong sayawan everytime na nagpupunta ako sa clubs, doon na ako nagsimula sumayaw at magsaya. I met some guys din sa dance floor, since I'm already kinda drunk I think I accidentally flirted with the last guy, cringe. Hinanap ko ang mga kasama ko after kong magsaya, pero wala akong nakita kahit isa. Naisipan kong hanapin nalang si Kristen at kausapin, paggantong nagbabar kami laging siya ang napakahyper at flirty, but this time nakita ko lang siyang nakaupo sa table namin at parang malalim ng iniisip.

"Hey! Kristen?" pagbati ko sakanya.

"Hello." maikling sagot niya sakin.

"Are you mad at me?" tanong ko.

"No, it's just that tha-"

"You have a problem?" sabay hawak ko sa likod niya para pakalmahin siya.

"Yes" pagkatapos non ay umagos na ang luha ni Kristen.

"Shh, come on you can say it to me."

"I have a boyfriend." 

"What?! Kailan pa?" nagulat na tanong ko.

"Sinagot ko lang siya last month and I didn't tell it to you guys because I want it to be a surprise and also we're all busy."

"Ohh and what the hell did that stupid guy did?"

"I saw him yesterday with one of the cheerleaders but I don't know the girl, they are making out in the back of the school building, he didn't see me and I just ran away while bursting in tears." kwento ni Kristen habang umiiyak.

"Gagong lalaki yun ah! You did break up with him naman diba, Kris?"

"No... not yet, I'm just planning to."

"Yes, break up with him you can live without him, I know it hurts din but I'm telling you the best and fastest way to be free and happy is letting someone go."

"You know, you're right but I love him, I  want to give him another chance to build my trust again."

"If that's what you want, then go, but 1 chance is enough." Niyakap ko si Kristen ng mahigpit para maramdaman niya na may kasama siya sa problema niya ngayon.

"drink?" alok ko sa kanya.

"Lezz go!" hyper na sabi ni Kristen.

12AM na andito pa din kami sa club. Magpapatulong sana ako maghanap ng iba naming kasama kay Kristen pero kahit siya parang hindi na kaya, binuhos ata yung sama ng loob niya sa alak. Inalalayan ko nalang siya pabalik sa table namin, iniwan ko siya doon para hanapin pa ang iba naming kasama. Nakita ko si Asher na akay-akay si Yvette, mas napadami ata ang inom ni Yvette kesa sa kanya dahil parang walang katalab talab sa kanya yung mga ininom nila. Tinanong ko na rin siya kung alam niya ba kung nasaan si Shaira at Cayden.

"Okay ka lang dyan, kailangan  mo ng tulong?" tanong ko kay Asher.

"Hindi, kaya ko na to."

"Okay, nakita mo ba si Shaira at Cayden?"

"The last time I saw them was in the dance floor."

Ngumiti lang ako, bilang sign ng pagpapasalamat sa kanya. Hindi ko pa din sila nakita sa dance floor, medyo nagaalala na ko sa dalawang yun parehas pa naman walwalin yung dalawang yun. Nawala ang kaba ko ng makita ko sila na kusang nagpunta sa table namin, pero gaya ng hinala ko parehas silang lasing na lasing. Shit! pano kami uuwi nito? Lasing si Cayden! Inuna ko ng isakay sa backseat si Kristen at sinunod ko na ang dalawa. Si Asher malamang siya na ang naglagay kay Yvette sa backseat. Kinuha ko na rin ang susi ng kotse sa bulsa ni Cayden since parang nakasabit lang naman yun.

"Sakay. Ako na magdadrive." sabi ko kay Asher.

"Kaya mo?"

"Oo, sumakay ka na o iiwanan kita dyan?"

"Siguraduhin mong makakauwi tayo ng buhay sa mga bahay natin."

"Yes, sir."

Ako na ang tuluyang nagdrive ng sasakyan ni Cayden pauwi, laking pasasalamat ko nalang na hindi masyadong mahirap controlin yun. Isa isa ko silang dinaan sa bahay nila, si Asher di na muna pinahatid si Yvette at dun na daw muna sa apartment niya matutulog. Since kay Cayden ang gamit na sasakyan, iniwan ko na yun sa kanila at nagbyahe nalang ako pauwi samin, wala namang problema dahil malapit na din naman yun sa subdivision namin.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Hate To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon