Chapter 07 Only Love Can Hurt Like This
Yllian's pov
Nakatuod ako habang nakatingin sa mukha ng lalakeng nasa harapan ko. Awang ang labi ko at malakas ang pagtakbo ng dibdib ko.
"V-v'zki..." Nauutal kong tawag sa pangalan nya.
Hindi maikakailang mas naging matured ang katawan nya. If I'm not mistaken he's already in the age of twenty two? Yeah, something like that.
Nakatingin lang sya sakin na tiim ang bagang. Kinakabahan ako, natatakot ako sa pwedeng mang yari. Akala ko hindi na magtatagpo pa ang landas namin pero bakit ngayon kaharap ko na siya.
Kung tutu-usin hindi dapat ako kabahan. Kung meron mang dapat kabahan dito ngayon sya 'yon. Sya ang may pagkakamali, kaya dapat lang na isantabi ko ang kabang nararamdaman ko.
Naging blangko ang ekspresyon ko at nilampasan sya. Bahagya ko pang binangga ang balikat nya ngunit ako lang din ang napangiwi sa sakit. Tâéna, ang tigas ng braso.
Nasa labas kami ng cafeteria at ngayon ko lang din napansin ang mga studyanteng nasa labas na nakatingin samin. Nakasilip din ang iba mula sa bintana including Shen and Jin.
Hahakbang pa sana ako nang marinig kong magsalita sya, "Stop." maowtoridad nyang saad.
Hindi ko alam kong bakit ako napatigil sa sinabi nya. Marami nang nagbago, mas naging baritono ang boses n'ya.
Huminga ako nang malalim, "Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong, nakatalikod parin ako kaharap ang mga studyante at hula ko ay nakatalikod din sya sa'kin.
Ilang segundong hindi s'ya nagsalita. Tsk.
Hindi makapaniwala akong natawa at akmang maglalakad na sana nang higitin nya ang braso ko, ngunit agad ko naman itong binawi.
"Ano ba?!" Sinamaan ko sya ng tingin.
Nakaharap na ako ngayon sakanya, ganon din sya. Ano bang ginagawa nya? Nakakahakot na kami ng atensyon sa mga pinaggagagawa nya.
Nanginginig ang tuhod ko mula nong mahawakan nya ang kamay ko pero pilit ko itong pinapakalma. Ganon parin pala ang epekto nya sakin. Nakaka tawang isipin na ang hina hina ko padin pagdating sakanya.
Akala ko marami nang pinagbago, pero bakit hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sakanya? Natatakot ako. Natatakot ako na baka bumalik sya at saktan na maman ako ulit. Natatakot ako na baka malaman nya ang tungkol sa mga anak ko at ilayo nya sila sakin.
Natatakot ako at malapit nang umabot sa punto na mas gugustuhin ko na lang na bumalik sa US at magtago sak'nya habang buhay.
"Let's talk, please." Mahina ang boses n'ya at nangungusap ang mata nyang nakatingin din sa mga mata ko.
Sa mga mata kong nanunubig na. Pilit ko mang iwasan ang maluha pero hindi ko magawa. Ramdam ko na lang pagtulo ng Isang butil nyon pababa sa pisnge ko.
"Usap? Nag-uusap na tayo. Pero kung tutu-usin wala na tayong dapat pag-usapan." Iniwaksi ko ang kamay nyang pilit na inaabot ang kamay ko.
Ngunit sa pagkakataong ito ay agad nya itong nahawakan ng mahigpit.
"I'm begging please, let's talk love." Pagmamaka awa nya. Ayaw ko s'yang nakikitang ganito. Kahit naman sabihin kong hindi ko na s'ya mahal ay hindi ganon ang isinisigaw ng puso ko.
YOU ARE READING
Hidding Series #1 Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)
РазноеYllian Trinity Blane is a 18 year-old girl with a lovely face. She lives in a straightforward, tranquil word. With a broken family. She only had her Lolo and Lola who have been guiding and taking care of her eversince. She had a boyfriend. She was t...