Chapter 08 His Name
Yllian's pov
Nang matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako pumasok, agad akong umuwi ng mansyon. Sinalubong agad ako ng mga maids.
I ask them about the kids but they just said that they're in their room already. Napakunot ang noo ko. It's just two in the afternoon.
Nagkibit balikat ako at dumiretso na sa kwarto ko. Nagbihis ako ng maikling short at white na over sized t-shirt. Pagkatapos ay lumabas na ako at tinawag ang maid na nakita kong papa-pasok sa kitchen.
Papunta na din kase sana ako doon.
"Ateh! Padala po ng meryenda sa kwarto ng mga bata."
"Ano hong meryenda ma'am?" Magalang nitong tanong.
"Bread na lang po tsaka juice."
Tumango ito at ngumiti, nagpaalam na akong aalis. Pagkadating ko sa kwarto nila ay agad akong kumatok.
Bumukas ang pinto at bumungad sakin si E'zki na pawisan. Taka ko s'yang tinignan at binuhat.
"Ano na namang ginawa mong bata ka at pagod na pagod ka? Ha?" tanong ko,
Ngumuso sya at tinuro ang loob ng kwarto, "Look mommy oh!"
Kinurot ko na lang ang pisnge nya nang makita kung anong ginagawa nila. They're changing the room's theme.
Naglakad na ako papasok habang pinapahidan ang pawis sa noo ni E'zki.
"Wahhhhh! Mwamehh!"
"Mommy!"
"Mom.."
Ngumiti ako at inupo sa kama si E'zki, "Did you eat na?"
"Yeah, ikaw po?" Si Y'zki ang nagsalita. Tumango ako at ngumiti bago sila sinenyasang lumapit sakin. Umupo ako sa kama at sumandal sa head board.
Agad silang lumapit sakin at umupo sa harapan ko.
"Where's grandpa and grandma?" Tanong ko habang kumukuha ng wipes sa bed side table.
"They went to a party mom. But I don't know what it is." Seryosong Saad ni L'zki. Bumalik naman ako sa kinau-upuan ko kanina.
Party? In the afternoon? Baka naman pool party or what?
"Lapit ka dito, prensesa ko." Malambing kong saad, agad namang lumapit sakin si trixie at umupo sa lap ko patalikod.
Sinimulan ko nang pahiran ang pawis nya.
"Ako sunod mom!"
"And me!"
"..."
Natawa na lang ako at tumango. I wiped their sweats, nang matapos ang tatlo ay si L'zki na sana kaso tapos na pala nyang pahiran ang pawis nya.
Tumabi sila sakin kaya medyo nakikiliti ako. Ikaw ba naman may makatabing mga chikiting at mga batang may mga maliliit na kamay at paa.
Si trixie ay nakaupo sa lap ko habang si Y'zki at E'zki Naman ay sa magkabilang gilid ko. Ang lilikot pa ng mga kamay nila minsan napupunta sa kili kili at sa gilid ng tyan ko kung saan meron akong kiliti.
I look at L'zki who's looking at us seriously. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang lalakeng iyon sa tuwing nakikita ko ang seryosong mukha ng anak ko.
YOU ARE READING
Hidding Series #1 Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)
DiversosYllian Trinity Blane is a 18 year-old girl with a lovely face. She lives in a straightforward, tranquil word. With a broken family. She only had her Lolo and Lola who have been guiding and taking care of her eversince. She had a boyfriend. She was t...