Warning! Under editing...
PROLOUGE
"Congratulations Ms. Blane, you're two weeks pregnant."
Sa hindi masyadong katagalang paghihintay ko sa resulta ay nagsalita na rin ang doctor. Mababakasan man ng ngiti ang labi nito ay alam kong may parte sakanyang nagtataka at gulat sa naging resulta.
Sino ba naman ang hindi magtataka at magugulat.
I'm pregnant.
I should be happy. Pero bakit kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko? Why the hell I'm feeling the opposite? Am I not ready yet for the responsibility?
Ofcourse....
Hindi pa ako handa. At bakit ngayon pang marami akong pinoproblema?? Bakit ngayon pang maraming bumabagabag sa isipan ko? Bakit sunod sunod ang mga problema ko?
Is it a big deal? Big deal ba kung mabuntis ako?
Pero possible kayang may mabuo kung isang beses lang naman iyon?
"How's that even possible? Isang beses lang naman iyon. I'm not ready for the responsibility ma'am. Nag-aaral pa lang ako at kakapasok ko palang ng kolehiyo. My family would dis-own me for sure."
Para akong tinakasan ng hiya at mabilis na kinompronta ang doktor.
"I am sorry to hear that. But ofcourse, it is possible."
Possible nga....
Pero ang pag-aaral ko, paano na?
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nagkakamalabuan na kami ng nobyo ko bakit ngayon pa dumating ang panibagong problema na namang to.
It felt like I was drowning in my own thoughts as I leave the room with no word. Natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad. Naglalakad ng wala sa sarili. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong masisiraan. Pero kailangan kong sabihin sakanya. I must.
Nang makarating sa University ay agad akong nagpunta sa opisina nya. Kumatok ako agad, ilang segundo pa bago ako may marinig na nagsalita sa loob.
"Come in." Baritonong boses n'ya na lalong nagpakaba sa dibdib ko.
Hindi pa'rin pala talaga ako sanay. Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang pintoan.
Bumungad ang Isang lalake sakin na naka-upo sa swivel chair nya at may pinipirmahang papel.Napatigil sya sa pagpe-pirma pero hindi ako tinapunan ng tingin, pinatuloy nya ang ginagawa na parang hindi n'ya alam na nandito ako.
O wala syang pake.Peke akong umubo at pinagsawalang bahala ang kabang nararamdaman ko.
"May kailangan kang malam—” Pinutol nya ang dapat ay sasabihin ko.
"Spill it." Napalunok ako.
Siguro kailangan ko na talagang sabihin sakanya. Sana naman panagutan nya ako.
"I-im pregnant..."
Pikit matang usal ko.Pagmulat ng mga mata ko ay ang malamig na titig nya ang bumungad sa'kin. Namumutla ako, para akong tinakasan ng dugo sa katawan. Ang mga titig nya ay parang nagsasabing wala syang pakealam.
"Abort it." Nanubig ang mga mata ko. Kahit naman bata pa ako at hindi handa, hindi ko gugustuhing ipalalag ang sarili kong anak. Pero bakit sya? Bakit napaka-dali lang nya kung sabihin iyon.
"B-bakit?" Tanong ko. Kahit na pigilan ko ang mga luhang nagnanais na kumawala sa namumula kong mata ay hindi ko magawa. Kusa na lang bumagsak ang mga iyon. Marahas ko itong pinahid at pinigilang mapahikbi.
Sumandal sya sa sandalan ng swivel chair nya at tinignan ako.
"Bata ka pa. Bata pa tayo, we're not yet ready for the responsibility." Napa awang ang mga labi ko.
Napuno ng galit, sakot at puot ang puso ko. Galit na lumuluha akong tumingin sakanya.
"Sana naisip mo 'yan nang pilitin mo'kong makipagtalik sayo!" Sigaw ko at dinuro sya.
"You still like it anyway." Walang gana niyang sinabi iyon.
"Hayop ka!" Humaguhol ako at tinignan sya. Puno ng puot ang mata ko.
"S-sinabi mong pananagutan mo'ko pag may nabuo..." Mahina kong saad at napa-upo sa sahig.
Katulad ng kanina ay ganon parin ang mga mata nya. Walang emosyon at napakalamig.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin 'yan.." bulong ko habang nakayuko. Mahigpit na nakayukom ang mga kamay ko sa aking mga hita.
"Say what you want to say. We're done after this."
Mas lalo lamang nawasak ang wasak ko nang puso nang sabihin niya iyon matapos ang nakakabinging katahimakan.
Wala na talaga.
Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang mga hikbing gustong kumawala sakin sa pamamagitan ng braso ko.
"B-bakit? Bakit mo sakin to ginagawa?" Kanda utal utal kong tanong.
Parang hindi na ako makahinga dahil sa pinipigilang hikbi. Bakit ba sakin nangyayari toh? Nagmahal lang naman ako ng Isang V'zki Rox Hahcv.
Hindi s'ya nagsalita at nanatili lang rin akong naka upo sa malamig na sahig."Mahal mo pa ba ako?"
Still silent so I continue.
"May iba na ba?"
Kahit napipilitan at natatakot sa magiging sagot nya ay patuloy parin akong nagtanong.
Ngunit ang mga katagang lalabas pala sa bibig nya ng araw na iyon ay ang makakapaglugmok sakin sa dilim. Ang patuloy na wawasak sa puso ko.
"I love my girl. That's why I'm doing this to you."
YOU ARE READING
Hidding Series #1 Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)
AléatoireYllian Trinity Blane is a 18 year-old girl with a lovely face. She lives in a straightforward, tranquil word. With a broken family. She only had her Lolo and Lola who have been guiding and taking care of her eversince. She had a boyfriend. She was t...