11

235 9 0
                                    

Chapter 11  Reporters ft. Marites


Yllian's POV




Gumising ako ng madaling araw para maghanda. Kaylangan ko na talagang gumising ng maaga mula ngayon dahil maghahanda pa ako para sa pagpasok sa eskwela.





Tsaka gusto ko ding ako na ang maghahanda ng agahan ng mga babies ko dahil boung maghapon akong wala sa mansyon, kahit yon lang man sana ay magawa ko para sakanila.




Pagkatapos kong magluto ay agad akong naghanda para sa pagpasok sa eskwela. Ganon pa rin ang uniform ko, medyo sanay na ako sa palda nito kahit may kaiksian.





Pagkatapos kong gawin ang lahat, lumabas ako ng kwarto habang sinusuot ang bag ko.





Pumunta agad ako sa kwarto nila at binuksan iyon. Bumungad sakin ang natutulog ko pang mga chikiting.





Lumapit ako at napangiting nakatingin sakanila. They were in the deepest of their sweet dreams. Ang cute-cute nilang tignan, kapwa humihilik silang apat.





Sa kabilang side ay si L'zki, nakadantay ang paa nya sa Isang unan na hotdog na kinalalagayan naman ng kamay ni Trixie'ng katabi nya, may yakap-yakp pa itong babydoll. Si E'zki naman ang sumunod na nakabukaka ang Isang paa at nakadantay Kay Y'zki na katabi nya, normal lang itong nakatagilid at nakaharap sa pwesto ko. 





I kiss them on their forehead before mumbling my words, "I love you four..."




I left their room and walk through the hallway before facing the stairs. Bumaba ako at agad nang nagpunta sa parking lot at nagpahatid kay mang Degor.





Hindi pa gising sila lola, kaya hindi na ako nagpaalam. At kung inaakala nyo na nagtatampo ako sa nangyari kagabi, hindi. Kaylangan ko lang talagang magmadali at hindi ko na din sila mahihintay pa na magising.





Plano kong pumunta muna ng komapnya dahil sure akong may nabago na naman sa appointment ko for today.




At alam kong dahil iyon sa balita kahapon. I already watch the news, napabugtong hininga ako habang nakatingin lang sa labas.




Tama nga si Lola. Marami na ang nakakapansin sa kompanya dahil sa pag invest ng lalakeng iyon. Hayystt, nag invest sya. It means magkasusyo na din kami.




Problema na sana yon kaso may naisip ako. Pwede namang ang sekretarya ko na lang ang dumalo ng meeting o pagkikita sana namin. Pwede naman siguro yon.




Nang makarating sa D company ay maraming mga reporter agad ang bumungad sa'kin. Napakunot ang noo ko at tinanong si manong.





"Mang Degor bakit ho ang daming reporter sa labas ng kompanya?" Kunot noo kong tanong.





"Hay naku ija, simula daw nang mabalita ang pag invest ni Mr. Hahc'v sa kompanya ng Lolo mo na ikaw na ang namamahala ay marami na ang gustong ma interview ka. Lalo pa't alam nila ang nakaraan nyo." Paliwanag nya kaya napangiwi ako.






Hindi ako inform na may pagka marites pala si Mang Degor. Pero teka nga, interview? Shakss! may interview-interview pa silang nalalaman. Heh! Ang sabihin nila gusto lang nilang lumagap ng chismis!





Bumaba na ako at agad naman akong pinalibutan ng mga guard kasama na si manong nang dumugin ako ng mga reporters.




Seryuso? Ang dami nila! Halos hindi na kami makalakad sa sobrang daming dumudumog samin. Pwede naman siguro silang dumistansya ano? Hello? May ilong ako.




Hidding Series #1  Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)Where stories live. Discover now