10

249 10 0
                                    

Chapter 10 Rights


Yllian's pov



Napatingin kaming dalawa sa pintuan ng roof top ng bigla itong bumukas. Seriously? Bakit ang daming nagbubukas ng pinto ng wala man lang katok or what?




Bumungad samin si lola na may galit na ekspresyon.  Napabuntong hininga na lang ako, alam ko na kung anong problema nya.




"Lian! Bumaba ka nga riyan! Ikaw din Cassandra, bumaba kayo ngayon din!" galit nyang sigaw.




Bumaba si Cassandra at yumukong nanghihingi ng paumanhin. Habang ako naman ay humarap lang sakanya.




Wala akong balak bumaba, ang refreshing kaya sa pakiramdam. Kung inaakala mong masunurin akong apo, well masasabi kong minsan. Oo minsan lang, haha.



Ngumiti ako, "Hi Lola."




Alam kong ayaw nya talaga akong nakikitang umupo sa mga ganitong matataas na lugar. Nakakatawa din ang itsura nya, galit na galit eh.





"Sinasabi ko saiyo Lian. Bumaba ka riyan! Makakatikim ka talaga saking bata ka!" Sigaw nya.





Tumawa lang ako at tuluyan ng bumaba. Mukhang need ko na talagang bumaba at baka atakehin pa s'ya sa puso. Tsaka mukhang nasobra na ata ang tigas ng ulo ko ngayong araw na toh. 




"Tapos na po ang party?" Tanong ko nang makababa.




Kita ko namang nakahinga sya ng maluwag. Sinenyasan nya munang sa labas na lang maghintay si Cassandra na tinanguan naman ng huli.




"The party is over, but the other visitors were still here." Sagot naman nya at umupo sa may bakal na upuan.





Ganon din ang ginawa ko nang sinyasan nya akong umupo sa tabi nya. Nang makaupo ay katahimikan agad ang bumungad saming dalawa.






Bumugtong hininga ako. Ang dami kong gusto 'sanang' itanong sakanya, ang kaso ay hindi ko alam kung saan sisimulan.




Ano ba dapat ang uunahin ko? Ang tungkol sa sinabi ni lola lay L'zki o ang tungkol sa pag invest ni V'zki sa kompanya?





Kinakabahan din ako. Baka sinabi nila lola at lolo ang tungkol sa mga anak ko, lalo pa't nagkita na pala sila.





Gusto kong guluhin ang buhok ko dahil sa lito at prustrasyong nararamdam ko ngayon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka isipin pa ni lola'ng nababaliw na ako.





Ilang minuto din siguro kaming ganon bago ko mapalakas ang loob ko na tanungin si lola.





"Nag invest pala ang lalakeng yon sa kompanya." Hindi iyon tanong. Bumaling si Lola sakin at tinignan ako sa mata.





"Pasensya na talaga apo. Hindi din sana namin tatanggapin ang alok nya kaso kaylangan na kaylangan ng kompanya natin ng malaking halaga para mapadali lang ang pag-angat nito ulit." paliwanag nya.





Nag-iwas ako ng tingin. Pwede naman sigurong Hindi nila tanggapin iyon? Pwede naman kaming mag apply ng loan or what para magkaron ng perang magpapalago ulit ng kompanya.





Mababayaran naman siguro iyon. Pwede din kaming magsabi sa mga pinsan ko. Kaya bakit?





"Pwede naman po tayong magsabi kina kuya Azhar. Alam ko naman pong handa silang tumulong." Banggit ko sa pangalan ng pinsan kong Atty.





Hidding Series #1  Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)Where stories live. Discover now