Chapter 12 B*tches
Yllian's Pov
Nang marating ko ang school agad na akong bumaba ng sasakyan. Hindi na nga ako nakapag paalam kay manong dahil sa kakamadali ko.
Wala nang pakalat kalat na mga estudyante kaya tudo na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi na din maipinta ang mukha ko. Nakakainis talaga!
Nang marating ko ang building namin ay agad akong tumakbo nang mabilis pa-akyat. Nasa third floor pa naman ako, nakaka inis!
Nang marating ko ang room namin ay napahinto at napahawak ako sa dibdib ko. Sinilip ko muna kong nagsisimula na nga ang klase.
Napamura ako nang makitang nagd-discuss na ang professor namin sa harap. Hindi naman ito ang unang beses kong malate, dati nal-late din naman ako. Paminsan minsan nga lang.
Ilang segundo siguro ang nakalipas bago humupa ang dibdib ko. Kumatok ako at napatigil naman ang professor sa pagsasalita sa harap.
Kita ko ang pagbaling nya sakin nang sumilip ako sa bintana. "Come in." Saad nya at sinenyasan akong pumasok.
Binuksan ko ang pintuan at nakayukong pumasok.
"Buti maman at hindi ka naabutan ng council iha." Saad ng professor namin. Napatingin ako sakanya.
Siya din yung professor namin kahapon. Mga ganitong oras siguro ang sched nya. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
Council? Ito ba yong mga ssg officers? Kung ganon mabuti nga, ang alam ko ay may punishment ang bawat studyanteng nal-late. Hindi lang yon, ang lalakeng yon ang Ssg Pres. so probablly sya ang pipili kung anong punishment ang ibibigay nya saiyo.
Well, lucky me pancit canton—ay este lucky me, dahil hindi nila ako naabutan. Tsk
Umupo na ako sa upuan ko, nandito na din sina Shen at Jin. Kapwa nagtatanong ang mga mukha nila.
"Bat ka late?" bulong ni Jin na nasa malapit ko. Bale nasa may bintana kase ako tapos kasunod ko si Jin pagkatapos ay si Shen.
Hindi naman ganito ang arrangement namin kahapon, baka nabago na.
Bumulong din ako, "May dinaanan pa kase ako." napatango tango silang dalawa.
"Cafe tayo mamaya, bili daw tayo ng bago nilang menu sabi ni Shen.." bulong uli ni Jin habang ang paningin ay nasa kay ma'am na nagd-discuss sa harap.
"Sige.." bulong ko din. Hindi na sila nagsalita kaya nakinig na lang din ako kay ma'am.
Isang oras bago natapos si ma'am at Isa na namang professor ang pumasok sa room. Nagd-discuss lang din ito, pagkatapos nya ay nag bell na hudyat na break time na.
Tumayo ako at niyaya na lang silang lumabas. Naglalakad na kami ngayon sa hallway patungong cafeteria, nang makarating ay agad naman kaming pumasok.
Pero kung minamalas ka nga naman, bigla na lang may bumunggo sakin. Nasa unahan kase ako at nakasunod lang sakin ang dalawa.
Literal na binunggo ako, hindi na bunggo. Buti na lang at mabilis akong nakakilos at hindi natapon sakin ang juice na dala ng babaitang toh, Wala pa naman akong dalang extra uniform.
Nasa sahig na ang lalagyan ng juice habang may kunti namang natapon sa kanya. Well, it's her fault anyway. Bakit kase sya namumunggo.
"What the!? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?" matinis nitong sigaw.
Napatakip ako sa tenga ko, maging sina Shen at Jin ay ganon din. Galit ang babaeng mukhang clown na ito na nakatingin sa'kin.
Tinaasan ko naman sya ng kilay, "Excuse me? Binunggo mo ako, hindi kita binunggo. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo." Maldita kong Saad.
Nakakahakot na kase kami ng atensyon, ngumisi naman sya. "Oh look who's here. Ikaw pala yan, Lian." ngising anya.
Tinaasan ko sya ng kilay, "So?"
Hindi ko sya kilala, and thanks na lang sakanya dahil kilala nya ako. Fan ko ata to eh noh?
Ngumisi ulit sya kahit halata nang inis na inis na sya. May dalawa s'yang alipores sa magkabilang gilid nya na kapwa nakataas ang mga drawing na kilay.
"Oww, so you can't remember me? Huhu how sad. Anyway I'm Olivia, b*tch." pag-eenglish nya na halatang medyo nahirapan pa sa pagbigkas.
Olivia? Olivia....
Yuck! Sya yung palaging nagpapapansin at dumidikit kay V'zki nong kami pa. Sinubukan rin nyang akitin si V'zki kaso hindi s'ya nag-wagi.
Sya pala toh? Noon makapal na talaga ang mukha nya, Este make up nya. Pero hindi ko naman aakalaing may mas ikaka-kapal pa pala iyon. Ni hindi ko na nga sya makilala e.
Napangiwi ako, parang proud pa s'yang ma-alala ko sya ah. E ang daming atraso ng babaeng toh sakin e.
Bw*sit sya! Akala nya siguro nakalimunta ko na.
Taka ko s'yang tinignan, bahagya ko pang ikinunot ang noo ko. "Olivia? I don't know anyone who's name is Olivia B*tch. Olivia Cheng siguro, meron. Madami nga yung atraso sakin e, anyway kung makita nyo sya pakisabi na lang na nagbabalik na si Lian. Hmm?" ngumiti ako ng matamis at nilagpasan sya.
Binangga ko ang balikat nya at napa hawi naman sa gilid yung alipores nya ring mukhang clown, hindi pa rin sya makabalik sa realidad dahil nakanganga parin sya. Tsk. Akala nya siguro.
Kung noon ay hinahayaan ko lang nai-bully nya ako, pwes ngayon hindi na. Parte lang s'ya ng kahinaan ko noon, and I was just too naive to realized that I shouldn't let them bully me. I should learnt to know how to fight them back.
Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. Masakit yon dahil sa higpit ng hawak sakin ng kung sino.
Lumingon ako sa Olivia na yon, at tama nga ako. S'ya yon, nanlilisik ang dalawa nyang mata habang nakatingin sa'kin.
Inis kong winaksi ang kamay nya sa braso ko, na ikina-out of balance nya agad naman s'yang nahawakan ng dalawa nyang alipores.
"This is so disrespectful!" sigaw nya na sinang-ayonan naman ng dalawang alipores nya.
"She's the queen bee here!"
"You should know how to respect her!"
Hindi ko sila pinansin kahit naririndi ako sa mga bunganga nila. Sina Shen and Jin naman ang tudo sagot sa dalawa.
"Heh! Pake-alam namin kung sya ang queen bee."
"Respect? Respetuhin nyo din sana yung mga tenga namin. Ang sakit na kaya, nakakarindi like megaphone ba kayo?" Inis na saad ni Shen na ikinatawa ng mga nanonood.
Pati ako napatawa na lang din. Basta ang alam ko lang masayang gulo toh.
—
♥️✨
YOU ARE READING
Hidding Series #1 Hidding My Famous Ex's Childs (Under Editing)
RandomYllian Trinity Blane is a 18 year-old girl with a lovely face. She lives in a straightforward, tranquil word. With a broken family. She only had her Lolo and Lola who have been guiding and taking care of her eversince. She had a boyfriend. She was t...