Suki ako sa Medical City & St. Michael's clinic nitong nakaraang buwan.
Last December sa Medical City...
Doc: Anong ipapacheck-up mo?
Ako: Hindi ko po alam.
Tumingin sakin yung doctor na parang nakakita ng alien.
Ako: Hmmm... Di ko po kasi alam. May lagnat po kasi ako noong nakaraang araw, pero saglit lang, tapos ok naman na ko ngayon. Ang weird po kasi ang lakas ko sobra kumain. Maya maya po gutom ako.
Doctor: May sawa ka sa tyan! Joke lang, di sinabi ng doctor 'yan. Ito talaga yung totoo:
Kailangan mong magpa-CBC.. nakalimutan ko na yung iba, ang dami kasi - tatlo, basta yung isa test sa sugar sa katawan, di ko alam tawag dun at kailangan daw magfasting ng 10 hours. Di ko kaya 'yun kaya di ko sinunod yug doctor.
Noong January naman sa St. Michael's Clinic..
Magaling naman na yung allergy ko eh, maarte lang talaga ko (Pota ang bading)
Habang hinihintay kong tawagin yung pangalan ko, may dalawang lalaking pumasok sa clinic, magbabayad daw ng tubig :) Wahahahaha!
BONUS story:
At dahil matagal na mula nang huli akong mag-update, may bonus story ako. Busy kasi ako eh, nagpapayaman. Pag mayaman na kasi ako, pasasahurin ko lahat ng Wattpad writers hahaha Joke lang. Ang tunay na pagsusulat ay walang hinihinging kapalit. Martir lang. Seryoso na.. pag masaya ka kasi sa ginagawa mo, pinagpapatuloy mo. Ginagawa mo yung isang bagay kasi gusto mo. Syet.. humor pala 'to, hindi sermon mula kay emosyon. Sorry :)
V(^^) Peace
Ito na yung bonus story...
Sumakay kasi akong LRT line 2 kaninang umaga. Paksyet lang kasi ang daming harang sa pinto nang dumating na yung tren sa Araneta-Cubao station. At nasarhan ako ng tren!!! Napasigaw talaga ko ng "FUCK!!!"
at nagtinginan lahat ng tao sakin! Wahahaha! Nakakahiya.. Wala tuloy akong mukhang maiharap pagbaba ko kasi bumukas naman ulit yung pinto after a few minutes. Buti na lang pogi pa rin ako heheANG POGI KO.
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan