Hindi talaga ko marunong lumangoy. Last summer ko nga lang kinuha yung P.E. 4 ko eh para ilang meetings lang. Isa pa, malamig kasi yung tubig pag ber month, baka magkulay ube ako. Akala ko mainit o maligamgam yung tubig sa swimming pool pag summer, pero takte! Sobrang lamig! Pagkalusong mo pa lang manginginig ka na agad. Paano ka matututo nyan? Wala pa kaming 20 sa klase kaya malamig talaga kasi onti lang yung ihing nagpapainit sa tubig. Hahaha!
Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong matutong lumangoy para maisalba yung nalulunod kong puso. Ang corny pero seryoso ko. Haha!
Kung rampahan lang habang naka-swimming costume ang labanan, malamang, naka-kwatro na ko (4.0 yung pinakamataas samin, 0 - bagsak) pero hindi eh, kailangan mong tawirin yung ilang metrong 'yun. Di ko tinawid 'yun, tiningnan ko lang yung mga kaklase ko habang tumatawid tapos 3.0 pa grade ko. Oh di ba? Ang saya lang! Petiks lang! Haha! Pero nag-effort pa rin ako bilang isang mag-aaral para makakuha ng mataas na marka.
---
Di ako pikon kaya mahal na mahal ako ng mga tropa ko. Alam nilang hindi ako marunong lumangoy kaya pag may swimming, pinagtutulungan nila kong ihagis sa pool. Mga gago lang. Last year, nagswimming kami sa isang resort sa Laguna. Noong una, tinutulak lang nila ko sa pool pag nasa gilid ako. Ang pinakamasaya sa lahat, pinagtulung-tulungan nila kong i-shoot doon sa ring sa pool na para sa bola. Mga gago lang talaga, di naman ako kasya.
Saktong sakitang pisikal lang pero alam nila yung limitasyon nila. May respeto sila sakin dahil sakin sila nangongopya pag nangangamote na. Hahaha!
---
Nagswimming kami sa Amana Waterpark sa Bulacan last May. Nakuha ko nga yung atensyon ng halos lahat ng tao dun eh. Pano ba naman, yung mga tropa ko, pinagtulungan na naman ako. Mahal na mahal talaga nila ko. Hawak ni Marlon yung kamay ko, si Niel naman sa paa. Bumilang pa ng 1 2 3 bago ako iitsa sa gitna ng pool. Letse! Lahat ng tao nakatingin sakin. Ang saya lang. Hindi lang isang beses nilang ginawa 'yun, tatlo ata.
Tara! Swimming tayo! :D
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan