Pabili po ng alamang

25K 310 105
                                    

Binisita ko ang paborito kong lola noong nakaraang linggo. Labs na labs ako ni lola kaya't tuwing dinadalaw ko siya, binibigyan niya ko ng maraming pagkain - ulam, panghimagas, prutas, etc.
At dahil panahon ng mangga ngayon, binigyan nya ko ng maraming mangga.
Labs nya talaga ko, pero di talaga yun yung dahilan kung bakit marami akong pagkain galing sa kanya. Patay gutom kasi ako. Patay na patay sayo, at gutom na gutom sa pagmamahal mo. Boom panes!!! Nakikiuso lang.

Nang makauwo na ko sa bahay, pinabalatan ko kay Enzo yung mga mangga. Pumunta naman ako sa malapit na palengke (100 steps lang, binilang ko eh) para bumili ng alamang. Masarap kasi ang mangga sa alamang.

Sa tindahan...

Ako: Pabili po ng alamang.

Tindera: Ilan?

Ako: Isa.

Tindera: Isang kilo?

Tumawa siya. Di ko alam isasagot ko.

Ako: Akala ko may nakabalot na (palusot.com)

Di kasi talaga ko namamalengke.

Tindera2: May sampu, may bente

Buti na lang nandun si ateng isa

Ako: Yung sampu po. Magkano yun?

Syet. Ang engot lang. Buti na lang narealize ko agad ang ka-engotan ko. After 2 seconds, nagsalita ulit ako. Sinagot ko rin yung nakakaloko kong tanong.

Ako ulit: Sampung piso. Sampu nga eh.

Wahahaha! :D



Bonus story: Gumagala ako sa Starmall mag-isa nang may lumapit saking babae.

Babae: 21 ka na?

Ako: Hindi.

Suplado. Ang pogi ko kasi.

Babae: Ilang taon ka na.

Ako: 20.

Babae. Ok. Salamat BUNSO.

Haha :D

Wala kong time mag-apply ng credit card. Ok na ko sa debit cardS. Capital letter talaga yung letter "s" kasi marami, pero walang mga laman hahaha

20 years pa lang ako... "kunwari" :)

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon