Bata pa lang ako, gagu-gago na ko. Noon, naniniwala pa ko sa letseng 'fantasy' na 'yan --- yung makakalipad ako, magkakaroon ako ng superpowers, makakapunta sa ibang dimensyon at kung anu-ano pang katarantaduhan.
Alam kong normal lang para sa mga bata na maniwala doon pero pakiramdam ko, nalason ang isip ko... at nanlason ako ng isip ng mga utu-utong batang tulad ko.
Naaalala ko pa, madalas kong tipunin ang mga kalaro ko sa bakuran namin malapit sa puno ng bayabas. Pinaniwala ko sila na nakakakita ako ng mga kakaibang nilalang. Pag kasama ko na sila at kumpleto na ang tropa, sisimulan ko na ang seremonya. Aarte ako na may nakikita akong kakaiba at naiintindihan ko kung ano mang sinasabi nila. Syempre, hindi mawawala yung 'props' o alay. Naroon yung mga pinitas kong dahon at bulaklak ng bayabas. Munggago lang. Ako yung nagpauso ng iba't ibang kulay ng dwende - puti pag mabuti, itim pag masama, pag violet naman... nakalimutan ko na, basta di jejemon yun ah, wala pang ganun dati eh.
Nakakatawa nga eh kasi pati kuya ko naniwala sa kalokohan ko. Para talaga silang sine... ang sarap panoorin.
Pati mga kaklase ko, hindi nakaligtas sa katarantaduhan ko. Pinapasahan ko pa nga sila ng mga puting dwende pampaswerte. Minsan tuloy pinasahan ko sila ng itim na dwende hahaha
Siguro, kaya sila naniwala noon sa kalokohan ko kasi consistent akong honor student. Hindi nila alam, top 1 ako sa kalokohan.
Gusto mo bang sumali sa kulto ko? :)
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan