Sa mga lumalaklak ng alak at di tumitikim ng serbesa (sorbetes lang),
Sa mga nagyoyosi at second hand smokers,
Sa mga adik sa kape,
Sa mga nagpipicnic sa inuman,
Sa mga sabog pero di nagdodroga,
Sa mga pinaglihi sa mais dahil CORNy,
Sa mga nagbasa, bumoto at nagkomento sa Tagay Tayo,
Maraming maraming poging salamat sa inyo mga tropa!
Dahil sa inyo, pakiramdam ko'y ako na ang pinakapoging tao sa Planetang Earth. Hahaha!
◘◘◘
Pseudonym Real Name
Richard Bachman Stephen King
Robert Galbraith J. K. Rowling
Diana Diamond Albany William Kennedy
Mark Twain Samuel Clemens
Lewis Carroll Charles Dodgson
Currer Bell Charlotte Brontë
emosyon Rumpelstiltskin
Hahaha! :D
C-in-opy paste ko lang sa Google yung "Rumpelstiltskin." Ang hirap ng spelling eh! Hahaha!
May gumagaya man sa mga kwento at mga linya ko, ako pa rin ang original. Makabili na nga lang mamaya sa tindahan ng Nagaya, este Nagaraya, yung original flavor.
Para sa haters ko, salamat din at wala kong pakialam kahit ikalat niyo yung pogi kong pangalan. It won't make me less of a person or a writer. Hindi naman kayo kikita dyan. At kung trip niyo lang talagang manira, hindi pa rin kayo kikita. Baka mabato ko lang kayo ng patatas. Hahaha! I can get over whatever sh*t you guys throw my way.
Ito na ang huling bahagi ng TT pero hindi ito nangangahulugan na tapos na ang kalokohan at katatawanan. May bago kong story - LOKI me, pancit canTHOR, at ipagpapatuloy ko pa rin ang mga kalokohan at mga kwentong condom sa PP o Pulutan Pa! May TT na, may PP pa! Ayos ba? Hahaha! Ang aral ng Tagay Tayo? Pwedeng maging masaya nang hindi nang-iinsulto o nananakit ng tao. Muli, salamat sa masayang inuman mga tropa. Wag kalimutang uminom ng dalawang basong tubig bago matulog para walang hang over kinabukasan. Apir! :)
◘◘◘
Bonus na note mula sa poging Fb ni Emosyon Supremo:
Emosyon, sino ka ba talaga?
May personal akong buhay at hindi ko obligasyong sabihin ang mga personal kong impormasyon. Nasa Wattpad ako bilang si emosyon, isang manunulat na layuning magpadama ng iba't ibang emosyon sa mga mambabasa. Gusto kong makilala bilang si emosyon, hindi bilang yung taong nakakaalam ng password sa account ko. Gusto ko sanang manatiling lihim para sa karamihan kung sino talaga ko pero imposible na dahil may mga taong di na makapaghintay na ipagkalat yung totoo kong pangalan sa pag-aakalang ikakasira ko iyon.
Sabi ko nga sa Tagay Tayo (Ako bilang Tropa), "Nagsisinungaling ako. May iba kong prinsipyo sa buhay. Gusto ko yung tinatanggap ako ng mga tao dahil sa ugali ko, hindi dahil sa kung sino at kung anong meron ako. Gusto kong manatiling lihim para sa karamihan, yung walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao at pangalan. Hindi naman ako natatakot na malaman ng Wattpad yung tunay kong pagkatao. Magpapakilala din ako sa tamang panahon."
Bakit ka ba nagbabasa? Para sakin, ito ay isang paraan para maaliw at makadama ng iba't ibang emosyon. Bilang isang writer, ginagamit ko ang aking puso at mapaglarong isipan para magsulat. Hindi ko kailangan ng maraming followers. Nagsusulat ako dahil iyon ang nagpapasaya sakin. May prinsipyo ako sa pagsusulat at sa buhay, at hindi ko ipagpapalit ang mga prinsipyo ko. Pindutin mo lang ang "follow" sa profile ko kung hinahangaan mo talaga ko bilang isang manunulat, hindi dahil sa pogi at astig ako. Di mo obligasyong basahin at iboto ang mga gawa ko. Choice mo 'yan (mula sa Tagay Tayo - Tunay na Pogi).
Kung puro katotohanan ang hanap mo, bakit di ka na lang magbasa ng autobiography? Kung gusto mo lang makipaglandian sa Wattpad, bakit di ka na lang sa dating site pumunta? Hindi ko naman sinasabing imposibleng makahanap ng totoong pag-ibig sa Wattpad.
Kung nagsinungaling man ako, tungkol lang iyon sa pagkatao ko. Para sa lahat ng nakausap at nakakulitan ko sa Fb at sa Wattpad, totoo yung mga emosyong dala ng mga letra at salitang pinindot ko sa keyboard.
Ako si emosyon. Isang manunulat.
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan