Ang kwentong ito ay Rated SPG -
Super Patay Gutom!
Patnubay ng magulang ay di na kailangan.
Ay kailangan pala.. baka maubos mo ang isang kalderong kanin sa inyong kusina :)
☺☻☺☻☺☻☺☻
Tomguts na kami ni tropa. Habang nag-aabang ng bus papuntang SM Taytay, bumili kami ng mushroom with blah blah pizza at Mountain Dew. Appetizer :)
Sa Hainanese Delights kami kumain, UNLI RICE kasi! Sulit na sulit kasi malaki yung serving ng chicken.
Dahil PG na ko, tinagay ko na yung iced tea habang naghihintay sa pagdating ng manok sa mesa. Di nga nakatikim si tropa ng iced tea kasi inubos ko na.
Binigay ko na lang sa kanya yung tubig ko.
Nakatatlong rice lang ako kasi nabusog na ko sa iced tea. Natawa talaga ko kay tropa dahil sa sinabi niya sa isang crew:
"Boss, apat na rice na para menos byahe."
Syet.. haha. At dalawang beses nyang sinabi 'yun kay Kuya.
At alam nyo ba kung ilang rice ang nilamon niya???
Twelve (12) fvckin' cups of rice lang naman.
SPG. Super Patay Gutom.
---
Bumili lang ako ng tsinelas na pula (Red Ranger!!!) sa department store tapos nag-dessert kami sa Razon's of Guagua :)
Paborito ko kasi ang halo-halo nila. Simple lang kasi pero masarap. Parang ako lang.. simple lang pero MASARAP.. maging tropa. Apir!
PS o Play Station: Talo ko naman si tropa sa Marvel Vs. Capcom at sa Tekken eh.
PS o Paking Syet: Kahit sobrang sarap, di ko naubos yung halo-halo kasi nanginginig na ko. Sobrang lamig kasi sa pwesto ko at malamig pa 'yun kaya binigay ko na lang kay tropa. SPG naman siya eh. Paking Syet!
PS o Pogi Sobra: Ang pogi ko.. sobra!
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan