Madalas 'tong nangyayari sakin:
"Thank you for calling __________.
My name is __________.
May I have your zip code please?"
In-enter ni caller ang 5-digit zip code nya.
Tooot tooot tooot tooot tooot
Inulit ko na lang yung opening spiel...
"Thank you for calling __________.
My name is __________.
May I have your zip code please?"
Tooot tooot tooot tooot tooot
Syet.. di nakahalata si caller. Pinalitan ko na nga yung accent eh, from American accent to Filipino accent. Hehe! Joke lang.
Sabi ko na lang:
"Hello? Can I have you zip code please?"
Nagulat si caller. Akala niya daw di ako live agent. Lagi na lang akong napagkakamalang hindi tao. Hahaha!
- - -
Pero mas malupit sakin si Ciano :]
Ciano: Can I hold you for one minute?
[Sabi niya sa caller]
Syet.. Natawa talaga ko. Seriously??? How the hell can you hold the caller? Ang layo kaya ng Pinas sa America. Si Luffy ka ba? Goma goma para mahawakan mo si caller? Hahaha!
Pero lahat naman nagkakamali. Hindi sukatan ng iyong pagkatao ang pagsasalita sa wikang Ingles.
- - -
Noong Tuesday naman (Monday shift ko), nadisconnect ko yung pinaka-una kong caller noong araw na iyon. May hang over pa ata sa gala. Biglaan kasi punta ko sa Laguna. Engot talaga ko pagdating sa kanan at sa kaliwa. Pagpasok ng call, yung 'headset' yung napindot ko na naging dahilan para maglaho sa linya si caller. Mali yung napindot ko, dapat yung 'mute' button :) Ayun! Sayang yung benta. Lumipat kasi ako ng station eh kaya natanga hahaha
May lesson naman di ba? :)
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan