Isang Araw ng Sabado

24.5K 283 125
                                    

Nakatipid
Pumunta ko sa Cubao dahil magkikita kami ni Annie. Manonood kasi kami ng XMen. Nang nasa Cubao na ko, sa tapat ng flower shop, tinext ko siya kung nasaan siya. Walang reply kaya tinawagan ko na. Antok na antok pa siya at may biglaang lakad siya kaya di tuloy date namin. Buti na lang di pa ko nakabili ng sunflower o rose. Bibigyan ko sana siya ng flowers eh, pasalubong. P150 rin ang isang sunflower at P40 naman ang isang pirasong rosas.

Santolan
Sa kanto ng Telus, bago ko tumawid papuntang Gateway ay may isang teenager na babae na lumapit sakin at nagtanong. "Excuse me. San po papuntang LRT?" tanong nya. "Anong line?" tanong ko. "Santolan," sagot nya. Tinuro ko yung direksyon sa kanan ko na papuntang Gateway, doon kasi yung sakayan ng Line 2, papuntang Santolan. Tinuro ko lang, sabi ko ng 'sa Gateway'. Engot kasi ako sa direksyon eh. Mabagal ang pagproseso ng utak ko sa kanan at sa kaliwa, de-uling kasi kaya mabagal. "Diretso lang," sabi nya. Eh MRT yung diretso, papuntang Taft 'yun. Kailan naging diretso ang kanan??? Naisip ko, may Santolan din sa MRT, pero Santolan Station iyon. Nalito na ko. Pero malaki naman na siya, kaya niya na sarili niya. 

Honesty is the Best Policy
Dahil ako ang writer ng "Tagay Tayo!", dapat bida rin ako. Artistahin naman ako eh, mula ulo mukhang paa. Sa Starbucks malapit sa Araneta Coliseum, umorder ako ng paborito kong coffee jelly. Two in one na kasi iyon, may inumin ka na, may pagkain ka pa - yung jelly. Basta nginunguya, pagkain na. Pag pulubi na, pwede na yung tig-sasampung pisong coffee jelly sa station ng MRT. Haha (Isang beses ko pa lang na-try yun, nacurious lang sa lasa). Habang naghihintay sa bar para kunin ang inorder ko, napansin ko na iba yung na-punch. Espresso yung na-punch pero hindi iyon ang order ko, eh P150 lang yung espresso, kaya pinakita ko yung resibo at binigay ang Starbucks card ko para dagdagan ang bayad. Mabait po ako :) lalo na pag tulog.

The Conyo Girl
Kakaupo ko pa lang nang may isang chix na lumapit sakin sabay tanong kung available ba yung pwesto sa kaliwa ko. Sabi ko wala nang nakaupo doon kasi nililinis na ng isang crew yung table. Nilapit niya sa table ko yung isang upuan sabay sabing "This can be yours na oh."  "Thanks," sagot ko habang naka-smile din sa kanya. Lihim talaga kong natawa kasi ang cute at conyo accent pa yung pagkakasabi niya.

The Sirenas' Selfie
Uso ang monopod ngayon. Sa kanan ko naman ay may dalawang sirena na wagas maka-selfie. Gamit nila ang cellphone at monopod. Naalala ko yung sabi dati ng tropa ko na ginawa ang camera upang kuhaan ng larawan ang mga magagandang lugar at mahahalagang pangyayari sa buhay, at hindi ang iba't ibang anggulo ng mukha mo. Naalala ko lang.. pero okay lang sakin ang pagseselfie, nagseselfie rin kasi ako minsan eh. Dapat maging masaya pa rin tayo at matutong ngumiti kahit puro kapaksyetan ang nangyayari sa mundo. Habang nagseselfie sila, natabig ng isang beki yung tinidor kaya nalaglag sa sahig. Buti di natapon yung kape. 

Lesson: Mag-ingat sa pagseselfie. 

 

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon