Sa Foodcourt

29.9K 276 32
                                    

Kumain at tumambay kami ni Enzo (tropa kong tabachoy na sumeseksi pag sumasayaw) sa foodcourt sa Megamall noong nakaraang linggo. Habang kumakain ng shabu shabu, napatingin kami sa magsyotang nag-aaway.

"Tarantado ka boy," paulit ulit na sabi ni Enzo. Mali naman kasi yung diskarte ni kuya. Okay lang umiyak pero wag naman sana sa public area. Nakakahiya kasi sa part nung babae. Kaya si ate deadma. Sana kasi kumain muna sila tapos tsaka mag-usap nang masinsinan, yung silang dalawa lang. Kamote moves kasi si kuya.

Napatingin din kami ni Enzo kay kuyang matabang nakawheelchair. Agaw-eksena kasi. Ang dami niyang pagkain at ang masaklap pa, chicharon at lechon manok yung inuupakan niya. Good luck kuya. 

Maya maya, napatingin ulit kami sa mesa kung san nag-away yung magsyota. Wala na sila. Pero yung pagkain nandun pa rin, di nagagalaw. 

Niloko ko lang si Enzo na kunin niya, sayang eh hehe O kaya kahit yung mineral water na lang, bente pesos rin yun wahahaha pero syempre joke lang yun. Di naman kami ganun ka-pulubi. 

Bumili si Enzo ng siomai. Nang maubos na, napagtripan niya yung buto ng kalamansi. Tusukin ko daw gamit yung toothpick. Pag nagawa ko yun, lilibre niya kong shabu shabu ulit. Kahit imposible, ginawa ko pa rin pero nabigo ako kasi ang dulas kaya. May toyo toyo pa. Di ako alam kung anong magic yung ginawa niya kasi natusok niya yung buto ng kalamansi gamit yung toothpick. Ayun, talo. Ako yung manlilibre. Texas bake daw sa Pizza Hut. Pero nagbago isip niya, ito na yung MGA GUSTO niya:

1. Dalawang (2) liempo sa Andoks

2. Isang kalderong bahaw na kanin

3. Humingi daw ako ng sabaw sa karinderya o kaya dirty mami

Wahahaha! Wagas! 

Meron pa pala, sa likod namin, may dalawang babaeng umorder ng 20 basong tubig. Iyon lang. Alam ko, nabusog sila. Nabusog ka rin ba sa kakornihan?

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon