July 25. Fiesta sa Paete, Laguna. Fiesta kina Dho. Pumunta ko sa kanila para makikain. Hahaha! Ako at si Yowen lang yung Power Rangers na nakapunta sa kanila. Di kasi pwede yung iba. Ikinain naman namin sila eh :)
Di ko inasahan na sasama si Yowen. 11am yung usapan na magkikita kami sa Gateway pero nalaglag yung isang 1 kaya 1pm kami nagkita. Sa bus papuntang Laguna, tawa lang kami nang tawa. Sabog kasi ako.
Traffic. Medyo matagal yung byahe. Paksyet lang kasi ihing-ihi na ko. Si Yowen ang gago kasi inaasar pa ko.
"Ssswwweee ssshhhh"
Ihi na daw ako sa plastic cup ng SB na pinagkapehan ko.
Bumaba kami sa Pagsawitan. Tapos tinanong ko si Manong kung saan yung sakayan papunta sa palengke ng Paete, doon kasi kami susunduin ni Dho. Sabi ni Manong, tumawid kami sa overpass. Eh di tumawid kami. Habang nasa taas, natawa ko kasi may may pedestrian lane naman. Paksyet talaga! Ang mas nakakapaksyet pa, pagtawid namin, sa kabila daw yung sakayan! Tangina syet! Tumawid pa kami! Lakas ng trip ni Manong. Doon din naman pala sa binabaan namin yung sakayan.
Sumakay na kami ng jeep. Nagtext si Dho - san na daw kami. Tinanong ko yung lalaki sa harapan ko. Di ko masyadong naintindihan.
"Ilocos?" tanong ko.
Tawa kami ni Yowen. Tangina! Nasa Ilocos na kami. Syet!
Sinabi ulit nung lalaki yung lugar. Di ko pa rin masyadong naintindihan.
"Nongos na kami." → text ko kay Dho.
LONGOS pala!
Maya-maya, may sumakay na babae tapos sabi niya sa Pakil siya bababa, kaya tinanong ko siya agad kung saan yung palengke ng Paete. Syet! Lagpas na pala kami. Di kami binaba ni Manong. Di rin naman kasi mukhang palengke yung palengke. Hahaha! Buti na lang di masyadong malayo, mga 100 steps lang siguro (more or less).
Nakita na namin ang cute na cute na si Dho. Tapos pumunta na kami sa bahay nila. Akala ko sa kusina ko didiretso kasi tomguts na ko, sa cr pala! Wahahaha! Ihing-ihi na kasi talaga ko. Binalibag ko na nga lang sa sahig yung mga gamit ko eh tapos diretso sa cr pagkabati ko ng magandang hapon sa mama at mga bisita nila Dho.
Kumain na kami pero bago iyon, nagpaload muna si Pareng Yowen kanila Dho. Di pumasok yung load after ng ilang minutes. Nang i-check ni Yowen yung number, iba pala! Wahaha! Sayang ang P50! Nagload na lang ulit siya!
Pumunta kami sa sidera o tyangge. May nakita kong nagtitinda ng brief na bente pesos lang kada piraso. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Prince/Green Ranger na hagisan ng brief sa mukha si Yowen. Naalala ko lang.
Pumunta rin kami sa resort, este perya! Baha kasi eh. Akala ko resort. Naglaro kami ng putok putok at tusok tusok. Dart 'yun at baril-barilan hehe. Potato fries, 2 chubby, isang wafer at isang v-fresh yung premyo namin! :D
Pumasok din pala kami sa Bahay ng Maligno. Di naman nakakatakot, nakakatawa nga eh. Si Yowen di kinaya yung mga dalagang nakikipag-gitgitan sa kanya, ang lalakas nila syet! Si Dho naman, sigaw nang sigaw kasi ilang ulit inapakan yung tsinelas niya.
Masaya! Sobra! :)))
Pagkalabas ng perya, bumili si Grace, yung kasambahay nila Dho, ng ice cream. Nainggit ako. Bumili ako, yung P8. Namilog yung mata ko nang lagyan ni Kuya ng ice cream yung apa. Wala kasing tissue yung apa, tapos ang dumi pa ng kamay at kuko niya. Tawa nang tawa sila Dho nang iabot na ni Kuya sakin yung ice cream. "Ang liit!" sabi ko.
#SaanAabotAngOtsoPesosMo? Hahahahaha!!! Yung ice cream lang kinain ko, tinapon ko yung apa, ayokong madumihan ang pogi kong tiyan hahaMasaya din kasi nakausap (conference call) namin yung ibang rangers - Ann, Julie, Emmie, Jasmin, at Sentimo. Masyado raw pogi yung boses ko. Sana boses na lang ako. Hahaha!
Ang dami naming kalokohan. Sabog na sabog. Kaming tatlo pa nga lang, sobrang kulit na. Pano pa kaya pag nagsama-sama na ang lahat ng Rangers (pati si Bee)!
10 am ata kami umalis kanila Dho. Nagpunta ulit kami sa sidera para bumili ng remembrance. Nilibre kami ni Dho ng black na bracelet. Pumunta rin kami sa simbahan.
Nagfood trip din kami sa Albino. Ayaw ni Dho at ni Yowen na ilibre ko sila. Sila ang nanlibre sakin :) Tropa talaga!
Umuwi na kami. Habang nasa bus, nang-asar na naman si Yowen. Sabi ko ubusin niya muna yung laman ng mineral water niya para dun ako umihi. Wahahaha! Syet! Syempre joke lang yun.
Tamang soundtrip din habang nasa bus. Napasabay pa nga ko sa mga pasahero pati sa konduktor:
"Every sha-la-la-la
Every wo-o-wo-o
Still shines
Every shing-a-ling-a-ling
That they're startin' to sing's
So fine"Hahaha! ♪♫
One of the most unforgettable moments sa buhay ko. Maraming salamat sa lahat! :D
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan