Rated PG

22.6K 264 93
                                    

Ang kwenting ito ay Rated PG

Rated Patay Gutom

Patnubay ng magulang ay di na kailangan.

DAHIL PG kami ni Enzo, pumunta kaming Robinson's Cainta para mag-almusal sa KFC. Gusto kasi naming tikman ang crispy cheese chiken nila. Isang sakay lang naman iyon at iyon na ang pinakamalapit na KFC samin. Pero dahil PG nga kami, kumain muna kami sa McDo sa labas ng East Ortigas Mansion, mas malapit kasi iyon. PG nga eh.

Bibili lang dapat ako ng coffee float pero dahil PG nga kami, kumain na rin kami dun. Umorder kami ng chicken fillet with rice, french fries at coffee float. Pero appetizer pa lang iyon.

Habang naglalakad kami palabas papunta sa doMc...

Ako: Para kong bagong-gising lang.

Di na kasi ako nagpalit ng damit. Tomguts na talaga eh. Naka-jogging pants lang ako na kulay blue at t-shirt na green (Ateneo, La Salle lang).

Si Enzo naman, naka-shorts na blue at naka-tshirt na itim (para medyo payat siyang tingnan). Yung timbang ko kasi, times 2 + 20 kilo sa bigat niya. Para kaming number ten (10). Ako yung 1, siya yung 0.

Balik sa kwento..

Siya: Ako nga walang boxer eh!

Wahahaha!!!

Ang tamad niya kasing maglaba ng underwear niya. Minsan nga, side a, side b. Minsan naman, blockbuster,

three weeks na!!! :)))

Hahahahaha!

Pagkatapos kumain sa doMc, sumakay na kami papuntang Galle, tapos lumamon sa KFC. Di lang chicken kinain namin, at tsaka mayroon pang labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya, at sa paligid-ligid ay puno ng Tinga! Hahaha. Joke lang.
Naging bahay-kubo ang KFC. LOL

Habang kumakain, may nakita kaming tatlong bata (dalawang lalaki, isang babae). Yung isa, nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na PULIS.

Enzo: Tingnan mo yung bata oh, ang liit-liit pa, pulis na.

Ako: Oo nga, nangogotong pa.

Nangnenok kasi ng donut yung batang lalaki na nakasuot ng pulis T-shirt sa kasama nyang bata. Hahaha!

Lesson? Laba laba din ng underwear pag may time para di maging blockbuster..

three weeks na! :D

Extend ka pa?

Wahahaha! :)))

PS: Kakain ulit kami maya-maya sa bulaluhan. PG eh :) 

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon