Magtataxi na dapat ako pagkalabas ng peace 1, peace 2 o subdivision kasi male-late na ko pero narinig ko kay manong sa kanto na sobrang traffic kaya nagjeep na lang ako. Sakto naman na may dumaang jeep byaheng Eastwood.
Paksyet talaga yung traffic! Ang masaklap pa, di na nga gumagalaw yung mga sasakyan, yung truck pa na puno ng manok yung katabi ng jeep na sinasakyan ko. Tangna talaga! Ang bango! Syet! Nakalimutan ko kasing magpabango, ayun, instant pabango! Pakingsyet! Hahaha!!!
12:16 na ko nakapaglog-in pero ok lang, pogi naman ako at nagtext ako sa workforce na male-late ako ng 25 mins. Ang sweet nga ni Marie eh kasi nirestart nya na yung Avaya ko para di ako magkaproblema sa headset. Pakiramdam ko tuloy, ang pogi pogi ko.
12:26 am. Ten minutes pa lang yung lumipas mula nang maglog-in ako tapos pinag-extended lunch kami ni Marie kasi sobrang avail.
Sinamahan ko syang magyosi sa baba. Pagkatapos nyang magyosi, uminom siya ng yakult. Habang umaakyat kami sa hagdan, binalibag nya na lang yung bote ng yakult na wala ng laman. #medyobadgirlsimarie
1:45 am. 1st break ko na. Wala pang 20 minutes mula nang maglog-in ako galing extended lunch, wala pa rin akong tawag kahit isa. Dahil tomguts na ko, lumabas ako ng floor para bumili ng pagkain sa pantry.
Hinila ko yung pinto. Di ko mabuksan. Hinila ko ulit. Paksyet! Ayaw pa rin! Tangna talaga! Tapos naalala ko, pipindutin pala muna yung sa gilid ng pinto bago hilahin para bumukas. Takte! Wala ko sa sarili. Iniisip ko kasi yung bote ng yakult na binato lang kung saan ni Marie. Kawawa eh!
Buti na lang may libreng hotdog sandwich sa pantry, pampalubag-loob. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan