Chapter 19: "Natagpuan kitang muli."

3 1 0
                                    

Chapter 19: "Natagpuan kitang muli."

Ang Nakaraan:

Dahil sa lakas ng ulan at alon di nakasunod kaagad ang mag-kapatid na Donna at Daniel sa rest house nila John sa Puerto Gallera at nagkaroon ng oras sila John at Cristine para sa isa't-isa.


***


Kinaumagahan, nakapaglayag kaagad sila Donna at Daniel patungo sa kinaroroonan nila John at Cristine. Kabadong-kabado si Donna at di siya mapakali, hindi niya mapigilan at kanyang sarili. Pagkadaong sa pantalan kaagad tumakbo si Donna patungo sa rest house, kaagad nitong kinatok ang pintuan pero walang sumasagot.

Dahil dito kinabahan siya, agad siyang tumakbo sa likod ng bahay at nagulat sya nang makita niya na kaya pala walang nagbubukas ng pinto ay magkasama pala sila John at Cristine na naglalakad sa tabing dagat.

"Mag-pakasya na kayo, dahil di nyo na ulit ito magagawa.." Wika ni Donna.

Mula sa kanyang likuran, lumapit si Daniel.

"Mukhang nag-eenjoy si Cristine sa pamamasyal? Natutuwa ako..." Wika ni Daniel.

"Oo, muka nga kuya. Mas masaya siguro kung ikaw ang kasama nya, hindi ba?" Sagot ni Donna.

Niyaya ni Daniel ang kapatid upang lapitan sila Cristine at John sa dalampasigan, pero habang naglalakad sila palapit sa dalawa pareho silang nagulat sa kanilang nakita. Mula sa kanilang kinalalagyan kitang-kita ng mag-kapatid nang biglang buhatin ni John si Cristine.

Napakunot ang kilay ni Daniel, tila naiinis siya pero hindi ito nagpatalo sa selos at sa halip binilisan ang kanyang paglalakad para makarating sa kinaroroonan ng kasintahan.

"Cristine!" Sigaw ni Daniel habang naglalakad palapit kala John.

Dahil sa sigaw ni Daniel, nagulat sila Cristine at John at natigil si John sa paglalakad habang buhat ang dalaga. Sa sobrang bilis ng lakad ni Daniel narrating kaagad niya ang kinalalagyan ng dalawa.

"Daniel, I'm glad youre here." Bati ni John kay Daniel.

Medyo inis si Daniel, di niya sinagot si John at sa halip ay kinausap si Cristine. " Cristine, are you okay? Do you need me to carry you papunta sa loob ng bahay?"

Napatulala lamang si Cristine sa tanong ng kasintahan. Nakahala si John na medyo naiinis si Daniel sa kanyang ginawang pagbuhat kay Cristine kaya naman kaagad niyang binigay ang dalaga dito.

"Pinulikat kase sya habang naglalakad kanina, kaya naman binuhat ko sya. Sorry if, you got worried." Paliwanag ni John.

"It's okay. Papasok na kami sa loob ng bahay..." Mahinang sagot ni Daniel habang buhat ang kasintahan.

"Osige, susunod na ako." Sagot ni John.

Naglakad palayo si Daniel, at mula sa likod nito sumulpot si Donna at biglang niyakap si John.

"Honey, I missed you so much... Nag-alala ako sayo ng sobra." Wika ni Donna.

"I missed you also Donna." Sagot ni John sa kasintahan.

Pag-sapit ng hapunan nagsama-sama ang apat sa may cottage at doon sila kumain. Nag-kwentuhan sila hanggang makaramdam ng antok.

Pagsapit ng umaga, maagang nagising si Cristine upang magluto ng agahan. Mula sa kusina naamoy ni John ang niluluto ng dalaga kaya naman agad siyang bumaba at pumunta sa kusina. Pinagmamasdan niya si Cristine habang nagluluto, tila pakiramdam ni John kasama niya ang yumao niyang asawa.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon