Chapter 18: "Ang sandaling tayo'y mag-kasama."

5 1 0
                                    

Chapter 18: "Ang sandaling tayo'y mag-kasama."

Ang nakaraan:

Dahil sa isang tawag mula sa Ospital sa Maynila naunang mag-punta ni John at Cristine sa Gallera, habang ang mag-kapatid na Daniel at Donna at nagpuntang Ospital para makadalo sa isang meeting.

Isang nakakatakot na balita ang gumilbal kay Donna, at dahil dito lubha siyang nababahala.


***


Pag-dating sa Piyer kaagad bumaba ang mag-kapatid sa kotse para intayin ang sundo nila. Habang nag-iintay, ramdam ni Donna ang kanyang kaba, naiisip niya kung anong ginagawa ni John at Cristine sa mga oras na iyon.

Sa kabilang dako, sa Gallera naman ay...

"Mag-aalastres na nang hapon, sa tingin mo ba papapunta na sila Donna at Daniel ditto?" Tanong ni Cristine kay John.

Tumango si John at sinabing: "Sigurado akong papunta na sila dito, hindi ba kanina ko pa pinabalik yung yate sa Batanggas Pier. Kaya wag kang mag-alala."

Noong mga panahong iyon nasa biranda ang dalawa ng rest house, tinatanaw nila ang napakagandang karagatan. Napatingin si Cristine sa ulap at napansin nitong mukang uulan.

"Naku, tignan mo ang langit mukhang uulan ng malakas." Sambit ng dalaga.

"Mukha nga, pero don't worry everything will be fine. Ang mabuti pa'y pumasok tayo sa loob at tignan kung may pagkain sa ref. Nagugutom na kase ako." Sagot ni John.

Agad silang pumunta sa kusina at tinigna ang refrigerator. Walang makitang kahit anong lutong pagkain ang dalawa, puro hilaw at lulutuin pa lang. KInuha ni John ang isang isda at ipinakita ito kay Cristine.

"Alam mo gutom na talaga ako, di naman ako marunong magluto. Pasensya kana.." Paumanhin ni John kay Cristine.

Napangiti si Cristine, at lumapit kay John saka nya sinabing: "Ang mabuti pa ay doon ka na lang mag-intay sa salas at ako na ang mag-luluto. Dadamihan ko na ang lulutuin para pag-dumating sila Donna at Daniel may kakainin din sila."

"Naku.. Salamat Cristine, your my tummy saver.." Sagot ni John.

Makalipas ang tatlongpung minute, luto na ang pag-kain at sobrang gulat na gulat si John dahil sa sobrang sarap ng lasa ng mga ito.

"Thank you Cristine, for cooking for me." Pasasalamat ni John.

"Your welcome." Sagot ni Cristine.

Dahil sa sobrang sarap ng pagkukuwentuhan ng dalawa ay di nila namalayang alas singko nap ala ng hapon. Dalawang oras a ang lumipas pero di pa din nakakarating sila Daniel at Donna sa rest house. Nabahala si John kaya naman minabuti nitong tawagan sila Donna, pero ng mag-dial palang siya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagkatinginan sila John at Cristine, naisip nilang pareho nab aka ma-istranded sila Donna at Daniel dahil sa lakas ng ulan.

Walang ano-anu'y nagring ang cellphone ni John.

"Hello?" Sagot ng binata.

"Sir, pasensya na kayo di po makapunta dyan ngayon, sobrang lakas ng alon.. Hindi kami pinayagang makaalis mula dito sa batanggas.." Paliwanag ng katiwala at driver ng yate nila John.

"Ganoon ba? Osige, bukas na bukas ng umaga dapat ihatid mo sila kaagad dito. Sige, bye." Sagot ni John.

"Hindi sila makakarating ngayon?" Tanong ni Cristine.

"Oo, malakas kase ang alon." Sagot ni John.

Balikan natin sila Donna at Daniel sa pier, kung saan kausap ng dalawa ang coast guard at sobrang nagagagalit na si Donna.

"No, this can't be! I don't care kung malakas pa ang alon, kailangan naming makapunta doon nayon." Wika ng Dalaga.

"I'm sorry po Maam, we have a policy na kapag malakas ang ulan at alon ang mga yate at maliliit na Bangka ay hindi pwedeng maglayag." Paliwanag ng coast guard.

Napapaiyak na sag alit si Donna, at nagsisissigaw na sya sa sobrang inis. Dahil dito minarapat syang buahatin ni Daniel at dalahin sa loob ng kotse.

"Donna, what is going on with you? They said it's dangerous, bukas pu-pwede na tayong maglayag.. So please stop being a child." Wika ni Daniel.

"Pe-pero kuya... Sila Cristine at John, baka kase kung napaano na sila. Nag-aalala lamang ako. Huhuhu.." Sagot ni Donna.

"Ba't di mo tawagan si John, just to check on them." Wika ni Daniel.

Sinubukang tawagan ni Donna ang cellphone ng kasintahan pero, tila naka-off ang telepono ng binata. Dahil dito lalong nabaliw sa selos si Donna, sa kanyang isipan madami siyang naiisip na pusibleng maganap.

"Wala tayong magagawa, kundi mag-antay hanggang bukas." Wika ni Daniel.

Walang nagawa si Donna, kundi sumunod sa utos ng kapatid. Saka, kung mag-mamatigas pa siya tiyak na maghihinala sa kanya ang kuya nya. Munabuti ng mag-kapatid na makitulog sa opisina ng mga coast guard.

Sa rest house, nagpapahinga na rin sila Cristine at John. Ang dalawa ay umakyat na sa kani-kaniyang silid. Mga bandang alas diyes ng gabi, malakas pa rin ang ulan at may kasamang malalakas ng kulog pati kidlat.

Sa kwarto ni Cristine, bukas pa din ang ilaw at tila hindi pa natutulog ang dalaga. Sa tuwing kumukulog at kumikidlat nagugulat siya at natatakot. Makalipas ang ilang minute, bigla na lamang nawalan ng kuryente.

Napasigaw ang dalaga, at dahil dito nagising si John at nagmadali siyang nagpunta sa silid no Cristine.

" Cristine. Anong nangyare?" Wika ni John.

"Nawalan ng ilaw... Hindi ako makakita ng maayos... huhuhuhuhu.." Sagot ni Cristine.

Lumapit dahan-dahan si John sa dalaga at naupo sa tabi nito. "Wag kang magalala, andito lamang ako, di kita iiwan." Wika ni John habang nakatingin kay Cristine.

Napayakap si Cristine sa kanya ng mahigpit at sinabi nitong: "Wag mo kong iiwan ngayon, dito ka lang sa tabi ko." Wika ng dalaga.

"Oo. Promise, I'll stay here." Sagot ni John.

Makalipas pa ang ilang sandal, tila humupa na ang ulan at nakatulog na rin si Cristine. Mula sa kama ay nagtungo si John sa isang sofa at doon sya natulog.


***


Dahil sa nagkakalapit na damdamin nila John at Cristine, papano na ang mag-kapatid na sila Donna at Daniel?

Matuklasan kaya ni John ang munting sikreto na itinatago ni Donna?

Abangan!

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon