Chapter 7: "The proposal."

14 1 0
                                    

Chapter 7: "The proposal."

Ang Nakaraan:

Matapos ang mahabang pagdurusa, sa wakas nakaahon din si John mula sa kalungkutan. Nakatagpo siya muli ng panibagong pag-ibig sa katauhan Ni Donna. 

Makalipas ang dalawang taon, muli nang nakabalik sina Cristine at Daniel sa Pilipinas. Sa kanilang pagbabalik maraming naghihintay sa kanila.


***


"What is this all about? Come on guys, bakit lahat kayo nakatayo dito? Di ba tayo uuwi at para makapag-pahinga na." Sambit ng mama nila Daniel at Donna.

Napatingin si Donna sa madrasta at kinamusta ito. "Ma, I'm so glad that your also back." Sabay yakap ng dalaga sa ina.

"O, siya tama na. Let's go home." Sagot ng madrasta ni Donna.

Sa bahay, halos di pa din makapaniwala si Donna dahil magaling na si Cristine. Nilabas ni Daniel ang mga pasalubong na binili niya para sa kapatid. 

Habang naghahapunan ang mag-anak, nagring ang Cellphone ni Donna. Tinignan ito ng dalaga upang alamin kung sino ang tumatawag. Napansin ng kanyang madrasta na hindi sinagot ng dalaga ang telepono.

"Donna, iha are you sure it's not an emergency?" Tanong nito kay Donna.

"Ma, don't worry wala po ito." Sagot ng Dalaga.

"I'm sure he's your boyfriend, right?" Sambit ni Daniel.

Namula ang mukha ni Donna at medyo nahiya. "Ano ka ba naman kuya..."

"Donna, di ko alam may boyfriend ka na pala?" Pabirong bati ni Cristine.

"Hay naku, madami tayong pag-kukuwentuhan." Sagot ni Donna.

Matapos maghapunan agad nagpaalam si Donna sa madrasta, kapatid at kay Cristine. Minabuti nito na umuwi nang maaga. Sa pintuan ng kanyang Condo sobrang gulat niya ng mapansin niya na nakatayo si John.

"Hi." bati ni John habang nakangiti sa Dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Donna.

"Wala naman, gusto lang kitang makita. Tara, labas tayo." Sambit ni John habang akmang hahawakan ang kamay ni Donna.

"O sige, saan ba tayo pupunta?" Tanong ng dalaga.

"Sikretong malupit!" Sabay tawa ni John.

Pagsakay sa kotse, kinuha ni John ang isang puting panyo at sinabihan niya ang kasintahan na kinakailangan isuot ito. Walang reklamo na sinunod ni Donna ang boyfriend. Matapos ang ilang minuto, sinabihan ni John si Donna na pede na nitong tanggalin ang panyo. laking gulat ni Donna dahil tumambad sa kanyang mga mata ang isang box, marahan itong binuksan ni John.

 "Will you mary me?" Tanong ni John sa kasintahan.

Hindi alam ni Donna ang sasabihin. Medyo naluluha siya habang nakatingin sa kasintahan. Marahan siyang huminga ng malalim at niyakap si John.

"Yes! Yes! I will mary you." Sagot ng dalaga habang yakap ang kasintahan.

"Thank you, Donna. Napakasaya ko." Sagot ni John.

Matapos mag-propose ni John kay Donna, agad umuwi ito upang makapagpahinga. Hindi makapaniwala si Donna sa nangyari kaya hindi siya nakatulog ng maayos. Kinabukasan, agad nagpunta si Donna sa bahay ng kanyang Madrasta at kuya. 

"Donna, ang aga mo ata dito?" Tanong ni Daniel.

"Wala kabang pasok sa Ospital ngayon?" Tanong ng madrasta.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon