Chapter 17: "Ang katotohanan"

9 1 0
                                    

Chapter 17: "Ang katotohanan."

Ang Nakaraan:

Dahil sa suggestion ni John sa kasintahan nasi Donna, nag-plano sila na mag-bakasyon kasama sila Daniel at Cristine.

Nang paalis na silang apat, nakatanggap ng tawag mula sa ospital sila Daniel. Magkakaroon ng isang meeting sa ospital, at sa meeting na ito magbobotohan kung sino ang susunod na Director sa ospital.

Hindi pinalampas nila Donna at Daniel ang pagkakataon na dumalo sa meeting, at dahil dito naunang umalis sila Cristine at John patungo sa Gallera.

***

Pag-karating nang mag-kapatid sa ospital agad silang nag-tungo sa meeting room. Lahat ng kakilala nilang Doktor ay nasa silid na iyon. Nag simula ang meeting alas onse ng umaga at natapos ito bandang alauna na nang hapon. Napag-usapan sa meeting ang pag-reresign ng Director, kaya naman sa susunod na buwan ay mag-bobotohan sila kung sino ang papalit.

Naunang bumaba si Donna sa parking area upang hintayin ang kanyang kuya. Mula sa di kalayuan, isang pamilyar na tao ang sa kanya ay tumawag.

"Donna!" Pag-tawag ni Doc. Reyes sa dalaga.

"Doc. Reyes. I'm glad to see you again. Kamusta ka na?" Wika ni Donna.

"Mabuti naman." Sagot ng Doctor.

"Sya nga pala, what are you doing here? Are you here to attend the meeting?" Tanong ni Donna.

"Ah, sumaglit lamang ako dito; ang totoo nyan may flight ako ngayon patungong Hongkong. Ang kuya mo nasaan pala sya? Gusto ko sana syang makausap, tungkol sa isang importanteng bagay." Paliwanag ni Doc. Reyes.

"Naku, baka malate kayo sa flight mo. Kausap pa kase si kuya ng Director. Kung may ipapasabi ka kay kuya or ipapabigay, let me do it." Sabi ni Donna.

"Ah, O sige." (Kinuha ni Doc. Reyes ang isang folder mula sa kanyang bag at iniabot ito kay Donna.) "Heto, nais kong ibigay mo ito sa kuya mo."

"Ano po to?" Tanong ni Donna.

"Mga test results yan ni Cristine, noong naka-confine pa siya sa Cebu. Andyan lahat; blood test, DNA test, finger print nya at mga ibang test." Wika ng Doctor.

"Ah, pero ba't nyo naman ibibigay ito kay kuya? This is a private information from the Hospital." Tanong ni Donna.

"Nag-karoon kase ng yearly audit kahapon sa Hospital natin sa Cebu, nasilip nila yang records ni Cristine noong mga panahong na-confine sya. Sa di inaasahang pag-kakataon nabuklat din nila yung records nya noong sya ay pinanganak, doon pala sya pinanganak sa parehong ospital." Sabi ni Doc Reyes.

"And so what?" Tanong muli ni Donna.

"Doon nga nag-kaproblema. Yung recent hospital test nya at yung test ni Cristine noong sinilang siya ay hindi magkatugma. Meaning her blood test and DNA are not the same. Dahil dito, gustong makasiguro ng hospital director natin sa Cebu kung papano ito nangyare." Sabi ni Doc. Reyes.

"Ah, ganoon ba? Ano naman po ang gusto nyong gawin namin ni kuya para mapatunayan na may nagkamali lamang." Sabi ni Donna.

"What we need is a new test to be conducted on her, para naman maalis ang alinlangan namin. O, sige aalis na ako. Ibigay mo na lamang yan sa kuya mo." Pamamaalam ni Doc. Reyes.

Lubhang nagulat si Donna sa mga nalaman, agad nitong kinuha ang kanyang telepono at tinawagan nito ang kanyang kuya.

"Hello? O, Donna. Papababa na ako dyan sa parking area. Wait for me okay." Sagot ni Daniel.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon