Chapter 14: "Mga Pusong Naguguluhan."

5 0 0
                                    

Chapter 14: "Mga Pusong Naguguluhan."

Ang nakaraan:

Dinala ni Danniel ang kasintahan na si Cristine sa opsital, dala ng sobrang stress at pagod. Pinayuhan ni Donna na mag-stay si Cristine sa ospital hanggang araw ng martes.

Kinabukasan araw ng lunes, di inaasahan ni Cristine na dadalawin sya ni John. Ang paliwanag ng binata ay napadaan lamang sya.


***


Nagkatitigan sila Cristine at John, pareho nilang nadama ang isang kakaibang pakiramdam.

'Ano ba itong nararamdaman ko ngayon? Di ko maipaliwanag, sa twing nakikita ko sya bumibilis ang tibok ng puso ko..' - Ito ang laman ng isipan ni John habang tinitignan niya si Cristine.

'Sino ba ang lalaking ito, lagi akong natutuwa kapag nakikita ko sya.. Tila matagal na kaming magkakilala.' - Ito naman ang laman ng isisp ni Cristine.

Nagtagal sila sa ganitong eksena ng mga ilang minuto, pareho silang natulala at nakatitig sa mukha ng isat-isa.  Walang anu-ano biglang may nagbukas ng pintuan at si Donna ang biglang bumulaga sa dalawa.

"O, bakit parang nakakita kayo ng multo?" Pabirong tanong ni Donna.

Di nakasagot sila John at Cristine, nablangko ang kanilang isipan.

"Di ko alam na andito ka pala? Di mo nasabi na dadaan ka rito bago ka pumuntang opisina.." Wika ni Donna.

"Naisipan ko lamang na dumaan, sorry di ko nasabi sayo." Paliwanag ni John.

"Okay lang yun ano, mabuti at nagkakasundo kayo ni Cristine.. Andito ako para tignan sya." Sagot ni Donna.

Matapos tignan ni Donna si Cristine, nagpaalam na ito.

"Crisitne, maiwan ka na namin ni John. Bukas na bukas makauwe ka na sa bahay, ibibilin ko kay kuya na asikasuhin ka nang mabuti."

"Salamant Donna." Wika ni Cristine.

"Papaakyatin ko yung magbabantay sayo na nurse, goodnight.." Sagot ni Donna.

"Magpagaling ka, maiwan ka na namin.." Malungkot na paalam ni John.

Muling naiwang mag-isa si Cristine sa kanyang silid sa ospital, nadama nya ang kalungkutan nang makita niya na magkasamang umalis sila Donna at John.

Pagsapit nang martes, lumabas na ng ospital si Cristine. Inasikaso ni Danniel ang bills sa ospital pati na rin ang mga gamot ng dalaga.

"Kung mayroon kang gustong kainin sabihin mo lang sa akin, o kaya sa mga katiwala natin.." Wika ni Danniel.

Bahagyang tumango si Cristine, bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Nasagi sa kanyang isipan ang trabaho niya sa coffee shop.

"Teka, papano pala yung cafeteria?" Tanong nito kay Danniel.

"Wag mo munang isipin yon, ang mahalaga ay magpahinga ka muna." Sabi ni Danniel.

"Si Mama? Na saan pa la sya?" Tanong ng dalaga.

"Di ko pala sayo nasabi, umalis sya patungong Japan may aasikasuhin sya doon." Sagot ni Danniel.

Bahagyang lumapit si Danniel sa kasintahan at sinabing. "Pasensya kana kung hindi kita masasamahan sa ngayon, aasikasuhin ko lang ang mga pasiyente ko at pagkatapos titignan ko kung makakapagleave ako para mabantayan at masamahan kita.."

Di inasahan ni Cristine na yayakapin sya ni Danniel, hanggang ngayon kase medyo ilag parin ang dalaga sa kanya.

"Magpahinga kana, kinakailangan ko pang bumalik sa ospital.." Paalam ni Danniel.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon