Chapter 20: "Lihim na pag-tingin."

5 0 0
                                    

Chapter 20:"Lihim na pag-tingin."

Ang nakaraan:

Sinayang iligaw ni Donna si Cristine sa palengke, gusto niya na huwag nang matagpuan pa ang sa tingin niya'y karibal. Nag-alala sila John at Daniel kaya naman minabuti nilang maghiwalay na maghanap sa dalaga.


***


"John, bakit ganon? Bakit kapag sobrang kailangan ko ng tulong ikaw ang laging nariyan para sa akin?" Sagot ni Cristine habang nakayakap din sa binata.

"Wag ka nang umiyak, andito ko para sa'yo." Sagot ni John.

"Salamat." Pasasalamat ni Cristine.

Dahan dahang inalis ni John ang kanyang pagyakap kay Cristine, hinaplos nito ang mukha ng dalaga at saka sinabing. "Hindi ko din alam kung bakit... Kung bakit ganito ako kapag nakikita kita. "

Nagpatuloy ang pagtitig ni John sa mukha ni cristine, hanggang sa umiwas ang dalaga at sa ibang direksyon siya lumingon.

"Nagpapasalamat ako sa'yo, sobrang masaya ako at natagpuan mo ako. Pero, sana huwag mo nang itulog ang sasabihin mo." Wika ni Cristine, habang unti-unting bumibitaw sa pagkakayakap kay John.

Bahagyang tumalikod ang dalaga kay john at sinabing. "Ang mabuti pa ay, bumalik na tayo sa kanila. Sigurado akong naghihintay si Donna at Daniel."

Naglakad ang dalawa na parang hindi sila magkakilala, ni hindi sila nagtitinginan at bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan. Matapos marating ang lugar kung saan naghihintay si Donna, agad lumapit si Cristine sa Doktora.

"Cristine, mabuti naman at natagpuan ka ni John." Pakunwaring pagaalala ni Donna.

Luminong si Cristine at sinampal bigla nitong sinampal si Donna. "Sa susunod, di lang yan ang aabutin mo. I'm sorry pero, I am really disappointed..." Pag-kasabi ni Cristine saka siya tumalikod.

Nabigla si Donna, di niya inaasahan na magagalit sa kanya si Cristine. Nanginig siya sa galit, naisip niyang sinampal siya ni Ivy at di ni Cristine.

"Cristine!" Pasigaw nitong tawag kay Cristine.

Akmang sasaktan sana ni Donna si Cristine nang pigilan siya ni John.

"Enough!" Sigaw ni John habang hawak ang kanang kamay ng kasintahan.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa, pero please can you stop? Let's just pretend nothing happened. Daniel is still not here, I bet he'll be mad if he'd know." Dugtong ni John.

Makalipas ang tatlongpung minute, dumating si Daniel at ang bumalik na ang apat sa rest house. Nung gabing iyon, humingi si Donna ng paumanhin kay Crisitne at tinanggap naman ito ng dalaga.

Kinabukasan, maagang bumangon si Cristine at pumunta siya sa tabing dagat dala ang isang sketch pad at lapis. Mula sa pagkakaupo niya sa buhangin sinimulan niyang iguhit ang pagsikat ng araw. Ligid sa kanyang kaalaman, matagal nap ala siyang pinagmamasdan ni John mula sa kanyang likuran.

"Napaka ganda... Di ko alam marunong ka palang gumuhit?" Biglang nagsalita ang binata.

Lumingon si Cristine at namula ang kanyang pisngi. "Ikaw pala? Kanina ka paba diyan?" Wika niya.

"Sabihin na nating, napanood ko lang naman kung papano mo ginuhit ang pag-sikat ng araw." Sagot ni John.

Agad tumayo si Cristine at itinago ang kanyang sketch pad sa kanyang likuran. "pasensya na pero, ayokong may nanonood sa akin kapag gumuguhit ako." Wika ng Dalaga.

"Sige, pipikit na lang ako." Pabirong wika ni John.

Napangiti si Cristine at di napigilan ang matawa. Naupo ang Dalawa at pinanood ang pagsikat ng araw. Mula sa bintana ng rest house, nakikita sila ni Donna at Daniel. Muli ay nagngit-ngit si Donna sa selos at inis, habang kanyang kuya at natutuwa dahil nag-eenjoy si Cristine.

Matapos ang isang Linggo, naghanda ang apat sa kanilang pag-uwi. Si Donna, Daniel at Cristine ay nauna nang umalis sa rest house patungong Maynila, habang si John ay nagpaiwan dahil mayroon pa siyang gagawin doon.

Habang tinatanaw niya ang yate na sinasakyang nila Donna, Daniel at Cristine naisip niyang; "Di ko alam ang gagawin... Sa ngayon, ang alam ko lang may kung anong damdamin ang namumuo para sa'yo Cristine... Kapag, di ko ito nasabi siguradong mababaliw ako. "

Mula sa yate nakatanaw din si Cristine sa pantalan na kinatatayuan ni John. "Mula sa malayo, napakalakas parin nang tibok ng puso ko, bakit ganito? Alam kong mali, pero sana makasama pa kita kahit sandali..." – Mga salitang namuo sa isip ni Cristine.

Kung si Cristine ay nakatanaw sa pantalan si Donna naman ay agad kinuha ang kanyang Cellphone at tinawagan ang kasintahan.

John and Donna's Phone Conversation.

"Honey, I will wait for you. Don't forget may dinner tayo bukas ng gabi ha." Wika ni Donna.

"Yes, I'll be there. Ingat kayo." Sagot ni John.

"I love you. See you tomorrow night. Bye." Sagot ni Donna.

"Bukas magkikita din kayo ulit Donna, don't worry okay." Wika ni Daniel.

"Yes, kuya." Sagot ni Donna.

Matapos ang mahabang biyahe, dumating ang tatlo sa bahay ni Daniel. Dito kaagad umakyat si Cristine sa kanyang silid, nagpaalam ito na magpapahinga.

"Donna, take care going home okay." Wika ni Daniel.

Tumango lamang ang kapatid at saka naglakad palabas ng pinto. Pag sakay ni Donna sa kanyang sasakyan, kinuha nito muli ang kanyang Cellphone at agad niyang tinext ang kanayng kaibigan na si Jayson. Sinabi niya ng dalaga na gusto niyang makipagkita.

Sa isang bar nagkita sila Jayson at Donna, medyo late na nang makarating si Jayson kaya naman marami rami nang nainom si Donna ng sya ay dumating.

"Gabi na, why do you wanna meet me?" Tanong ni Jayson.

Tumawa si Donna at sinabing. "I just wanna see you. Youre my friend right?"

"You wanted to see me? Di ako naniniwala sa'yo. If I know your just interested with the lab results." Wika ni Jayson.

"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa." Sagot ni Donna.

Inilabas ni Jayson ang folder na naglalaman ng lab results ni Cristine at agad itong kinuha ni Donna.

"Ito! Itong folder na to... The information inside this folder will destroy my dreams... Naiintindihan mo ba?" Wika ni Donna na medyo may kalakasan.

"So, anong gagawin mo?" Tanong ni Jayson.

Kinuha ni Donna isa-isa ang bod paper na laman ng folder at saka ito pinunit sa harap ni Jayson. Gulat ang reaksyon ng binata, di nya maiwasang mapailing.

"Ibabasura ko ang nalaman nating ito, kaya sana wala kang pagsabihan kahit sino. Naiintindihan mo?" Wika ni Donna.

Napailing muli si Jayson at saka sinabing. " Lasing kana, let me drive you home."

"Mangako ka Jayson, ano man ang nalaman mo please, zip your mouth." Nangingiligid ang luha ni Donna habang nakikiusap sa kaibigan.

Napasagot na lamang ng oo si Jayson, nais niyang intindihin si Donna kahit ano pa ang dahilan nito sa pagtatago ng katotohanan.


***


Maitatago nga ba ni Donna ang lihim sa pag-katao ni Cristine? Hanggang kalian?

Abangan!

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon