Chapter 29: "Ang aking Ina."

3 0 0
                                    

Chapter 29: "Isang Ina."

Ang Nakaraan:

Nakabalik na nang Pilipinas ang Magkapatid na Daniel at Donna at buhat sa Airport ay nagmadali silang puntahan ang kinaroroonan nila John at Cristine. Sa kanilang paghaharap, nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila, at dito inilantad ni John ang kanyang nararamdaman kay Cristine.

Tuluyang nahulog ang damdamin nila Cristine at John sa isa't-isa, dahil dito lubos ang sakit at galit ang naramdaman ng magkapatid. Sa kanilang pag-uwi sa bahay nadatnan nila ang kanilang ina, agad nitong tinanong ang kinaroroonan ni Cristine.

Dahil sa sobrang kalungkutan ng matanda nahimatay ito, nang malaman na hindi na babalik si Cristine.

***

Sa Ospital...

"Donna, Daniel." Wika ng Emergency Doctor. "Kinakailangan natin obserbahan ang inyong ina. Her blood pressure is unstable."

"If it's needed for her to be confined here, that's fine with us." Sagot ni Donna.

"Okay, I'll just prepare her room." Wika ng E.R Doctor.

Nagkatinginan ang magkapatid, at halos sabay silang nagbuntong hininga.

"What is happening?" Mahinang tanong ni Donna.

"What do you mean?" Wika ni Daniel.

"You know what I mean." Tumayo si Donna mula sa pagkakaupo. "Puro problema. Una, sila Cristine at John tapos ngayon si Mama."

"Donna, let's just stop talking about them. Unahin muna natin ang kalagayan ni Mama." Sagot ni Daniel.

Sa Tagaytay...

"Are you ready to go home?" Tanong ni John.

Tumango si Cristine. "Ready na ako."

Sumakay ang dalawa sa kotse at tinahak ang daan patungong Maynila. Dahil di na muling makakabalik si Cristine sa tahanan nila Daniel iminungkahi ni John sa dalaga na ikukuha sya nito ng isang apartment, pero hindi pumayag si Cristine at sa halip nagpahatid ito sa condo ng kanyang kaibigan na si Angel.

"Ding, dong..." Tunog ng door bell.

"Sandali lang." Sigaw ni Angel. Nagmadali itong naglakad para mabuksan ang pintuan. Laking gulat niya nang makita ang kaibigan na si Cristine.

"Hi Angel." Wika ni Cristine.

"Cristine? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na sagot ni Angel.

"Ano, kase.. May gusto sana kong ipakiusap sa'yo." Wika ni Cristine.

Mula likod ni Cristine ay sumulpot si John. "Hi Angel." Wika ng Binata.

Lalong nagulat si Angel at napatulala sya. Di niya alam ang sasabihin niya.

"Ka-kasama mo siya?" Tanong nito.

"Ah, Oo. Pede mo ba kaming patuluyin?" Pakiusap ni Cristine.

"So-sorry.. Sige tuloy kayo." Sagot ni Angel.

Pinatuloy ni Angel ang kanyang mga bisita, ipinag timpla niya ang mga ito ng tsaa.

"Ginulat nyo naman ako, di ko kase inaasahan na magkasama kayong pupunta dito." Wika ni Angel. "Te-teka ano bang balita ha?" Dugtong pa niya.

"Ah, eh, kase..." Nauutal na salita ni Cristine.

Nahalata ni John na kinakabahan si Cristine, minabuti ng binata na siya na ang magsalita. Hinawakan niya ang kamay ni Cristine.

"I'm so sorry Angel, pero gusto sana ni Cristine na dito muna manatili sa Condo mo. Kaya kami nandito para makiusap sana sa'yo. I know that youre confused, but I can assure you one thing hindi ko papabayaan ang kaibigan mo." Wika ni John.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon