Chapter 26: "Pag-ibig."

4 1 0
                                    

Chapter 26: "Pag-ibig."

Ang Nakaraan:

Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon nagawang halikan ni John si Cristine at  dahil dito nailang ang dalaga.

Pero lingid sa kaalman ni John, ay unti unti na palang nahuhulog ang loob sa kanya ni Cristine.

***

"Teka, kilala ko ba kung sino yang lalaki na yan?" Tanong ni Angel. "Huy! Ano ka ba, ba't parang natutulala ka dyan?"

Wala sa kanyang uwisyo si Cristine, tila pakiramdam nya ay lumilipad sya sa langit.

"Naku, mukang masama talaga ang tama mo dyan sa kumag na yan ha?" Wika ni Angel.


Pangiti-ngiti lamang si Cristine, na parang nasisiraan nang bait. Kapansin pansin ang kislap sa kanyang mga mapupungay na mga mata. Habang naguusap ang magkaibigan isang lalaki ang biglang lumapit sa kanila.


"Hi, can I join you?" Wika nito.


Biglang nagulat si Cristine, nabigla siya nang makita si John na nakatayo sa kanilang harapan. Ngumiti pa ang binata at biglang tumabi kay Cristine.


"You left me, wala tuloy ako makasabay kumain." Paliwanag ni John.
Hindi makatingin ng diretso sa kanya si Cristine. "Sorry, pero kumain na kami ni Angel. Diba Angel?" Nagkakandautal utal ang dalaga.


Kaagad napansin ni Angel na tila may tensyong namumuo sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang umailis.


"Sir John, Cristine, kailangan ko na palang bumalik sa cafeteria. Maiwan ko na kayo." Pamamaalam ni Angel.

"Angel! Sandali." Painis na tawag ni Cristine sa kaibigan.


Kumaway lamang si Angel mula sa malayo, at nagkunwaring walang nadinig. Matapos umalis night Angel, tumahimik ang paligid na kinaroroonan nila John at Cristine. Papaano pareho silang kinakabahan at nahihiya sa isa't-isa.


"Cri--sstine.." Medyo pautal na wika ni John. "I know, your some how confused but, to tell you honestly, I'm never been sure.." Dugtong niya.


Napabaling ang tingin ni Cristine kay John, at muli silang nagkatitigan.


" I'm a hundred percent sure. This feeling, this wonderful feeling.
I hate to say this but, you have to know." Sandaling tumigil si John at marahan nyang hinawakan ang mga kamay ng dalaga.

"I love you." Malambing na wika ni John habang nakatitig sya sa mga mata ni Cristine.


Natigilan si Cristine, lumakas ang tibok ng kanyang puso na parang kinakabahan sya. "Pigilan ko man na wag kang mahalin, pero di ko magawa. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon."  Ito ang nas isipan ni Cristine nang mga oras na iyon, hindi niya masabi kay John na halos pareho lamang sila ng nadarama.

Pinilit ni Cristine na alisin ang kanyang tingin kay John para makaiwas sa binata, pero bigla na lamang syang niyakap nito ng mahigpit.


"Do you feel the same way for me?" Wika ni John.

"Pe-pero, si Donna." Tugon ni Cristine.

"As soon as she gets back, I will let her know about my feelings." Sagot ni John.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon