Chapter 5: "Hope."

10 1 0
                                    

Chapter 5: "Hope."

Ang nakaraan: 

Matagumpay na nakaalis ng bansa sila Daniel at Cristine, habang si Donna naman ay kasalukuyang nakilala ang kanyang pasiyente.


***


Iniisip ni Donna kung ano ang dapat niyang gawin upang makuha ang tiwala ni John. Magdamag siyang di nakatulog dahil dito.

Maaga ulit bumango si Donna. Nagluto siya ng simpleng almusal para kay John. Agad niyang kinatok si John sa silid nito.  Halos isang minuto rin naghintay si Donna sa pintuan bago siya napagbuksan ni John.

"May dala akong almusal." Alok ni Donna kay John.

"Ilapag mo na lamang dyan sa lamesa." Tugon ni John.

"Pinatatanung pala ng tito mo kung papasok ka ba sa opisina ngayon?" Tanong muli ni Donna.

Tumalikod si John at pumunta sa tabi ng bintana, ipinikit nito ang kanyang mga mata saka sinabi kay Donna na nais niyang mapag-isa.

"Pero.." Apila ni Donna.

"Please... I want to be alone." Pakiusap ni John.

Kaagad lumabas si Donna sa silid ni John subalit di pa siya gaanong nakakalayo ng marinig niya ang pagtaghoy nito. Hindi nagawang makinig ni Donna sa kalungkutan ni John kaya minabuti niya na bumalik sa kusina.

Kinagabihan, napansin ni Donna na hindi pa rin bumababa si John mula sa kanyang silid kaya minabuti ng dalaga na puntahan ito.

Pag dating ng dalaga sa harapan ng pintuan agad niyang napansin na patay ang ilaw. Dahil dito kinabahan siya bigla at agad niyang sinabihan ang mga katulong. Dali-dali nilang pinagtulungang buksan ang pinto pero dahil sa hindi nila makita ang susi minabuti nilang sirain ito.

Matapos waskin ang pinto ng silid ni John, lahat ay nagulat dahil sa kanilang nakita. Si John ay nakabulagta sa sahig at nailigo sa sarili niyang dugo.

Kaagad umaksyon si Donna. Agad nitong nilapitan si John upang siguraduhing ito ay mayroon pang pulso. Matapos kumpirmahin na buhay pa si ang kanyang pasiyente, tumawag kaagad si Donna ng ambulansiya.

Pagdating sa Ospital, kaagad ipinasok sa emergency room si John. Bakas sa mukha ni Donna ang pag-aalala, makalipas ang ilang minuto humahangos na dumating ang tiyuhin ni John. Agad nitong inalam ang kalagayan ng pamangkin.

"Donna? How is he?" Tanong nito kay Donna.

"He's fine. You don't need to worry." Sagot ni Donna.

"Alam mo na ngayon siguro kung bakit kinailangan ko ng tulong mo." Sambit ng matanda.

"I can see that. Sir, I'll do my best for him." Pangako ng dalaga.

Paglipas ng halos apat napung minuto ligtas na sa panganib si John at dinala na ito sa kanyang pribadong silid. Sa silid nandoon si Donna, naiwan siyang magbantay.

Napatingin si Donna kay John at nakaramdam siya ang sobrang pagkalungkot, na para bang tinutusok ng karayom ang kanyang puso. Lumapit siya sa tabi ni John at naupo. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nito.

"I don't know why I'm feeling so lonely. I hope that you recover soon..." Sambit ng dalaga.

Pagsapit ng gabi hindi parin nagigising si John, panandaliang lumabas si donna ng silid upang maglakad-lakad sa Ospital, nakasalubong nito ang isang nurse.

"Doc Donna?" Tanong nito.

"Hi! Kamusta?" Sagot ni Donna sa nurse.

"Okay lang po. Duty nyo po ba ngayon?" Tanong ng nurse.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon