Chapter 30: "Pag-panaw."

1 0 0
                                    

Chapter 30: "Pag-panaw."

Ang Nakaraan:

Malubha ang kalagayan ng ina nila Donna at Daniel, kinakailangan nito ang maoperahan kaagad. 

Sa kabilang dako, inihatid ni John si Cristine sa kaibigan nito nasi Angel. Pansamantala, makituloy ang dalaga habang hindi pa nila alam ang susunod nila na hakbang.

***

Sa kotse habang nag drive si Daniel.

Panay ang dial ng Doctor sa kanyang mobile phone, tila may nais syang makausap pero hindi ito nasagot.

"Dammed it!" Sambit niya.

Minabuti ni Daniel na bilisan na lamang ang takbo ng kanyang kotse para mabilis itong makarating sa lugar na kanyang nais puntahan.

"Anong kailangan mo?" Wika ni John.

Lumapit si Daniel at saka nagsalita. "I'm here to talk to you."

Tinignan ni John si Daniel mata sa mata. "Ok. Maupo ka."

Pagkaupo ni Daniel saka ito nag-salita. "Gusto ko sana makausap si Cristine. Alam ko ikaw lang ang may alam kung nasaan sya ngayon. Please?"

Muling tinignan ni John ang doctor sa mga mata nito at nagisip ng malalim, tumayo at tumanaw sa bintana.

"Daniel." Wika ni John. "Alam, mo... Your a very respectful man. Alam ko na hindi mo sasaktan si Cristine." Marahang salita ng binata sabay lingon kay Daniel.

"Salamat John." Sagot ni Daniel.

"Daniel, I'll be honest. Si Cristine, mahalaga sya sa akin. Wala pang ibang babae akong minahal nang ganito, mula noong mamatay ang asawa kong si Ivy." Sambit ni John.

Napatulala si Daniel sa isang sulok, at nagbuntong hininga ito. "John, naintindihan ko."

"Salamat. Si, Donna ang inaalala ko kung matatanggap nya ba ito?" Tanong ni John.

Umiling ang Doctor at sinabi. "My sister is my sister... You know her like I do. She can't accept defeat."

Makalipas ang limang minuto, natapos ang paguusap ng dalawang binata. Naiwan si John sa kanyang opisina, nakaupo habang pinagmamasdan ang larawan ng kanyang umaong asawa.


Ding-dong... Tunog ng door bell.

"Sandali lang!" Wika ni Angel.

Pagbukas niya ng pintuan...

"Sir, Daniel?" Gulat niyang sambit. "Anong ginagawa nyo dito?"

"Angel. Alam ko andyan si Cristine. I just need to talk to her." Sagot ng Doctor.

"Amm... So-sorry, sir." Sagot ni Angel.

Mula sa loob ng bahay, nagsalita si Cristine. "Angel, ako nang bahala sa kanya."


Sa dinning area nag-usap ang dalawa.

"Cristine." Wika ng Doctor. 

"Ano yon?" Tanong ng Dalaga.

"Bukas na bukas din, ipahahatid ko lahat ng gamit mo dito sa Condo ni Angel." Bigkas ni Daniel.

Napatingin si Cristine kay Daniel, gulat at lito.  "Ha? Gagawin mo yun? Hindi mo ako pipigilan?" 

Bumuntong hininga si Daniel. "Wala akong magagawa, I just want to see you happy."

Namuo ang luha ng dalaga. "Sorry. Sorry. Sorry. Sorry." Paulit ulit na sambit niya.

Marahang hinawakan ni Daniel ang mga palad ni Cristine. "Cristine, maraming nangyare na hindi natin maipaliwanag. Ikaw, ako at si John, we are all played by fate or destiny, pero sa huli you belong with him."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon