Chapter 2: "Kabiyak ng puso..."

50 2 1
                                    

Chapter 2: "Kabiyak ng puso..."

Ang nakaraan...

Ang mag-asawang John at Ivy ay sumakay ng barko patungong Cebu City. Dito nilanapagpasyahan na magbakasyon, pero lingid sa kanilang kaalaman isang kalbaryo ang sa kanila'y nag-iintay.


***


Halos sumigaw ang puso ni John habang pinanunuod nito ang paglubog ng barko. Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang idinadasal ang kaligtasan ng asawa. Hindi niya iniisip na napahamak si Ivy, tinatatagan niya ang kanyang kalooban at umaasa.

Mabilis ang pagresponde ng mga Cebu coast guard. Agad silang lumayag sa pinaglubugan ng barko upang saklolohan ang mga survivors.

"Tsk! Tsk! Grabe. Sobrang malas naman ng mga pasahero, napakalapit na pala ng barko sa pantalan, ay lumubog pa." Wika ng isang coast guard.

Sumapit ang bukang liway-way saka pa lamang natapos ang paglikas sa mga survivors patungong pantalan at ang iba ay sa pinaka-malapit na ospital. Marami ang sugatan at tulala dahil sa pangyayari, ngunit si John ay patuloy parin sa paghahanap sa asawa. Lahat ng kapwa pasahero ay kanyang nilapitan para lamang tanungin. Halos maibaliw sya sa paghahanap , pero hindi sya nawawalan ng pag-asa.

"Sir. Magpahinga po muna Kayo. Hindi pa po Kayo maaaring gumalaw, baka mahilo kayo." Paalala ng isang nurse kay John.

" Nurse, please help me. My wife... Ang pangalan nya ay Ivy. Ito, Ito ang picture nya... Please! Please find her. She's wearing a ring like mine." Pakiusap ni John sa nurse. Ipinakita nito ang picture ng asawa.

Tinawag ng nurse ang iba pang kasama upang makatulong sa pagpapakalma Kay John, na halos sumisigaw at nagwawala sa emergency room. Dahil dito manabuti nila na injection si John ng pampatulog.

Sa kabilang dako, mabilis na kumalat ang balita at nakaabot na ito sa Maynila. Pinag-fiestahan ng media ang balita at di nagtagal nalaman na ito ng kasintahan ni Cristine.

(Daniel Sanchez, isang syang cosmetic surgeon at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas. Lumaki at nag-aral sa London.)

Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kanyang nakakabatang kapatid na si Donna.

"Come on! Come on... Donna Pick it up!" Wika ni Daniel.

"Hello? Who's this?" Sagot ni Donna.

"Donna. Thank god, you finally picked up! Amm... You've got to help me...

Are you at the hospital?" Tanong ni Daniel.

"No, but I'll be there in less than 10 minutes. Why? Tanong ni Donna, na medyo naguguluhan.

"I need you to do something for me. Find some one for me. Cristine, she's one of the passengers of the boat." Utos ni Daniel kay Donna.

"Oh, my god! Okay don't worry I'll make sure to check her out kuya... Bye."

Nagmamadaling binaba ni Donna ang tawag. Nang mga oras na iyon naiisip niya ang kasintahan ng kanyang kapatid; Hindi maipinta sa mukha niya ang pag-aalala. Ilang minuto pa ay dumating na si Donna sa Ospital. Agad niyang ipinaalam sa mga nurse at kapwa duktor ang itsura at pagkakakilan-lan ni Cristine.

"Donna. Come hear.." Tawag ng isang ER Doctor.

"Yes. What is it?" Tanong ni Donna.

Agad ipinakita ng ER Doctor ang listahan ng mga pasaherong kasalukuyan paring nawawala.

"Oh, my god!" Gulat na reakyon ni Donna.

Hindi maintindihan ang kanyang sasabihin. Hindi nya alam kung agad ba siyang tatawag sa kanyang kapatid.

Samantala ang tito at nag-iisang kamag-anak ni John ay sobra din ang pagaalala. Minabuti ng matanda ang pumunta sa Cebu City upang alamin ang kalagayan ng pamangkin.

Sa pag-gising ni John ang kanyang tiyuhin ang agad nyang nakita. Inilipat sya nito sa isang private room upang makapagmahinga ng maayos. Tulala at balisa parin si John sa kanyang pag-gising.

"John. Are hungry? Magpapabili ako ng pagkain kung nagugutom kana." Tanong ng tiyuhin.

"No. I'm not hungry." Mahina na pag-tanggi ni John.

"Are you sure? Ang sabi nila noong isang araw ka pa hindi kumakain." Tanong muli ng tiyuhin.

"What? Anong araw na ba ngayon?" Agad na sagot ni John.

"Dalawang araw kanang tulog magmula noong nangyari ang aksidente." Sagot ng tiyuhin.

Agad na umakmang babangon si John pero agad siyang napigilan ng tiyuhin. Nanghihina ang katawan niya dahil sa halos tatlong araw niyang pagkakatulog.

"Si... Si... Si Ivy? Uncle?" Nangingiligid ang luha ni John sa kanyang mga mata habang binabanggit ang pangalan ng asawa.

Umiling ang tiyuhin habang nagsasalita. "I'm so sorry John. She did not make it..."

Tumungo si John at dito nagsimula siyang umiyak ng malakas. Umabot sa kabilang kwarto ang kanyang pag-taghoy.

Sa panahong tulog at walang malay si John, di tumigil ang kanyang tiyuhin sa paghahanap kay Ivy, pero isang bangkay ang kaniyang nahanap. Sunog at halos hindi makilala ang bangkay ngunit napatunayang ito ay ang nawawalang asawa ni John dahil sa natagpuang hawak ng bangkay sa kanan nitong kamay ang wedding ring nila John at Ivy.

Napakasakit para kay John ang pangyayaring ito. Ngunit kailangan niyang maging matatag at lumaban sa hamon ng buhay. Matapos ang paghahanda, inayos ng magtiyuhin ang bangkay ni Ivy at iniuwi sa Maynila upang bigyan ito ng maayos na libing.

"Paalam... Ikaw ang tanging kabiyak ng aking puso." Sambit ni John habang minamasdan ang ataol ng asawa pababa sa huli nitong hantungan.


***


Dahil sa kaganapang ito saan kukuha si John ng lakas upag mabuhay?

Abangan!

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon