Chapter 22: "Iginuhit ng tadhana."

8 0 0
                                    

Chapter 22:"Iginuhit ng tadhana."

Ang nakaraan:

Dahil sa sobrang pagkalasing ni Donna napilitan siyang ihatid ni Jayson sa kanyang unit at dito nagkaroon sila ng di inaasahang pagniniig.

Ang lahant ng naganap ay nais itago ni Donna kaya naman minabuti niyang muling magpakita sa kaibigang si Jayson.


***


Si Donna at Jayson ay nagkita sa parking area ng ospital kung saan sila nagtatrabaho. Nais ni Donna na kausapin muli si Jayson para mapatahimik na niya ng tuluyan ang binata.

"This is really funny, you have to call me first just to see me. You really are so desperate..." Mahinang pagsasalita ni Jayson.

"Di ako makikipagkita sayo kung hindi dahil sa isang paki-usap." Sagot ni Donna habang nakatitig kay Jayson.

Inis na inis ang dalaga sa lalaking kanyang kaharap dahil nagawa nitong lapastanganin ang kanyang kahinaan noong sya ay nalasing. Dahan dahang lumapit si Donna kay Jayson at bigla nitong sinampal ng malakas ang binata.

"Yan! Yan ang bayad sa ginawa mo sa akin nung isang gabi..." Sigaw ni Donna, habang naiiyak.

Natigilan si Jayson at medyo nasaktan sa pagkakasampal ni Donna, namula ang kanyang kaliwang pisngi. Matapos siyang masampal ng dalaga, agad niya itong tinignan at saka ngumiti na tila nangaasar pa.

"Donna, you knew all along that I have loved you... And.. And that will not change..." Sagot ni Jayson kay Donna.

Dahil sa sinabi ni Jayson lalong naiyak si Donna, lalong nagalit ang dalaga at sinabi nitong: "You. You loved me? Sorry, pero ang nakaraan ay di mo na maibabalik pa..."

"Look Donna, we can start over. Pananagutan ko kung maymabuo sa nangyari sa atin noong isang gabi. I promise, I will... Just please, let Ivy know the truth so she can go back with John." Paliwanag ni Jayson.

"Hahaha! Huli na ang lahat, I will do anything just to be with John... At kung magdalang tao ako because of what you did, I will make sure na di ikaw ang kikilalaning ama ng bata." Sagot ni Donna.

"Nasisiraan ka na talaga." Wika ni Jayson.

"Oo, I am crazy! I'm so crazy inlove with John! So please Jayson, make sure you'll not getting in my way... I don't wanna see you again, this is goodbye." Sambit ni Donna.

Matapos banggitin ang mga salitang iyon agad naglakad papalayo si Donna, habang pinagmamasdan siya ni Jayson.

Samantala, sa isang restaurant nakaupong naghihintay si Cristine tila kabado siya kakausapin at di mapalagay. Makalipas ang ilang minute dumating na ang kanyang hinihintay, isang lalaki ang lumapit sa kanya.

"I'm sorry kung pinag-intay kita Cristine." Wika ni John.

"It's okay." Mahinang sagot ni Cristine.

Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasayahan, di maintindihang kagalakan ang kanilang nararamdaman.

"I'm really sorry kung pinilit kitang makipagkita sa akin, may gusto lang sana akong hinging pabor sayo." Wika ni John.

"Pabor? Ano naman yon?" Tanong ng Dalaga.

Ngumiti si John at di sya makapagsalita, tila nahihiya siya na humingi ng pabor kay Cristine.

"Wag kana mahiya, kung kaya ko naman ang pabor na ipapakiusap mo sige gagawin ko." Wika ni Cristine.

Dahil sa sinabi ni Cristine ipinaliwanag ni John ang nais niyang hilingin sa dalaga. Nais ni John na kuning art Teacher si Cristine para mag-turo sa mga bata sa art gallery.

Everlasting -"Memories of Love"(ON GOING.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon