Chapter Twelve- Intrams Day 2 part 2. ♧

56 1 0
                                    

Keyona's POV:

Tangna, nababanas ako ah! San ka ba naman nakakita mag vavolleyball naka make up, naka kulot ang buhok, kita cleavage at higit sa lahat NAKA HEELS. ano ba akala niya mag mumuse siya?!

Lumapit ako kay lauren at hinawakan yung braso niya.

"Ano bang nasa isip mo?! Bat ka naka ganyan?!" Bulong ko sakanga habang mas lalo kong dinidiinan yung paghawak ko sa braso niya.

"A-aray k-ko naman keyona! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya sakin habang pilit inaalis yung pagkahawak ko sa braso niya.

"Magpalit ka doon! Bilisan mo! Magiistart naang laban!" agad naman niya akong sinunod, tumakbo siya papuntang cr habang bitbit ng mga alalay niya yung gamit niya, nakita ko naman na napailing si vincent sa suot ni lauren.

Bumalik na ako kila ange na tawa ng tawa, "Sobra na ate mo ha!" Inis kong sabi kay ange.

"Easy easy!" Sabi ni ange na nakataas ang dalawa niyang kamay. Kaynis talaga shuta!

Magsisimula na ang laro, kinakabahan ako sana manalo kami hota~ maya maya dumating na si lauren at tumabi sa tabi ko.

"Sorry keyona, may nagsabi kase sakin na ako daw yung muse ng section." Paliwanag ni lauren mukha naman siyang sincere kaya nag nod nalang ako sakanya, bago mag istart ang program rarampa muna ang muse ng section namin at ng 11-A.

Nang matapos ng rumampa ang mga muse nag shake hands muna kami ng kalaban namin.

"11-C the tigers!" Sigaw ng mc kaya nagsigawan ang mga Grade 11, may tilian, pshhh.

"VS. 12-A The eagles!" Sigaw nung mc kaya todo cheer naman yung mga grade 12 lalo na ang section namin.

"Eagles!" Sigaw ni ange, siya kase ang captain ball namin. Lumapit kami sa kanya.

"Kaya natin to ha! Lauren wag ka muna maginarte!" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni ange kay lauren. ( ^)o(^ ) nag nod naman si lauren, aba bumait ata ang bruha?

"Players please proceed on the court immediately. The game will start now." Sabi nung mc at pumunta na kami sa court at pumwesto na.

"Kaya niyo yan 12-A! WOOO!"

"Laureeennn!!!"

"KEYONAAA!!"

"ANGELINEEE!!!"

"DEMICEEEL!"

Tilian ng mga grade 12, touch naman ako doon chineer nila ang maganda kong pangalan. Pumito na yung coach unang magseserve ang Tigers. Nagispike siya, tumakbo si amber at tinira agad naman.

Tinira ulit ng tigers ang bola tumalon kami ni ange para iblock. Hindi nila natira dahil nadulas yung nasa harap ko. Agad kaming nagyakapan at lalong lumakas yung cheer ng Gr. 12

Ako na yung magseserve nagispike at at natira naman nung mataba sa gitna tinira naman ni lauren pabalik yung bola, binalik samin ang bola pero na outside masyadong malaks yung pag tira niya sa bola

4th set mas lalong naingay yung mga nanunuod cheer sila ng cheer.

Eagles-2|Tigers-1

At 24/23 na yung score, pag nanalo kami etong set panalo na kami, pero pag Natalo kami may 5th set pa. Di na kaya ng katawan ko kanina pako takbo ng takbo.

"Time out muna." Sabi ni coach agad kaming lumapit sa kanya at binigyan kaming tubig ng boys.

"Girls! Wag niyo ng paabutin ng 5th set okay? Galingan niyo ha, kaya niyo yan."

"FIGHT FIGHT FIGHT! EAGLESS!!

"TIGERS TIGERS TIGERS!!

Bumalik na kami sa court at pumwesto na, ang kabila ang mag seserve. Inispike niya yung bola sa direksyon ko. "Mine" tinira ko yung bola papunta sa kabila, agad din tinira ng kabila yung bola pero nagbunguan si ange at amber. Kaya hindi nasalo yung bola. Napa tampal si coach sa noo niya.

"Girls! Walang susuko! Okay lang yan!" Sigaw ng section namin.

"11 HABOL PA KAYA NIYO YAN! TIGERS TIGERS!"

"EAGLES EAGLES!"

"AHHHHH!!! AHHHH!!"

"EAGLES FTW!"

"TIGERS ANG MANANALO! AHHHHH!"

Lahat ng nanunuod nagsisigawan dahil excited kung sino mananalo. Nagispike yung kalaban papunta sa direksyon ni demi agad tinira demi, tinira ulit ng kalaban at pumunta sa direksyon ni ange. 3 minutes kaming nagpasahan ng bola, habol doon, tira doon.

Tinira ng kalaban yung bola at napunta sa direksyon ni lauren,puta. takot sa bola to eh, naka ready na yung kamay niya, lahat ng nanunuod napapigil ang hininga.

"Lauren itira mo yan!" Sigaw ko.

"LAUREEN!!" napapikit Nalang ako, at may narinig ako cheer ng section namin. Dinilat ko yung mata ko. PANALO KAMI?!

"Eagles eagles eagles!"

"LAUREEEEEEN ANG GALING MOOO!"

"EAGLESS!"

napayakap kaming lahat kay lauren, akalain mo yun siya pa ang magpapanalo sa section namin.

"Nice one lauren." ngumiti Ako sakanya at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako.

"Congrats po mga ate, ang galing niyo po." Sabi nung tigers at yumakap samin niyakap din namin sila.

Lumapit kami sa section namin, tuwang tuwa sila. Lumapit yung mga boys samin at binuhat kami wooh~ best day ever. Thankgod.

"Mag celebrate tayo ma'am! Sa bahay nila lauren." Sabi nung isang classmate namin, napatingin naman kami kay lauren.

"SURE!" Nakangiting sabi ni lauren, lumapit siya samin ni demicel.

"Demi at keyona. Sorry ha." Sincere na sabi ni lauren samin.

"Hahahaha, okay lang no!" Sabi ni demi at niyakap si lauren niyakap ko narin siya, bumitiw sa yakap si lauren.

"Friends?" Alok ni lauren samin, nagkatingin kami ni demicel at umling.

"A-ah sorry." Sabi ni lauren aalis na sana siya ng sumigaw si demi, "Bestfriends" napaharap siya samin at tumakbo. Nagyakapan nanaman kami hay, ang sarap ng feeling ng walang kaaway.

"May sasabihin pala ako." Sabi ni lauren at humarap sa mga classmates namin tas hinatak niya si ange sa tabi niya.

"Kapatid ko nga pala." habang nakaturo kay ange, nanlakihan naman yung mga mata nung classmates namin.

"A-ate." Sabi ni ange pero agad siyang niyakap ni lauren at sinabing sorry, naiyak naman si ange dah sa ginawa niya. Hay! ANg saya saya okay na ang lahat.

"6:30 ang oras ng party punta nalang kayo" sabi ni lauren at umalis na nakaakbay kay ange, ang cute nilang tingnan. Nagpaalam kami kay ma'am at sa mga classmates namin. Matutulog muna kami, 6:30 pa naman eh, 1:12pm palang.

Pagdating ko sa bahat plakda si kuya mario na bahala sa kotse.

(~O~)zZ

Living with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon