CHAPTER THREE
Mag isa si JM sa gazebo sa loob ng building nila. Ang nag iisang open space. Wala yung prof nila kaya pagala gala lang yung ibang blockmate nya.
Nakapikit sya habang nakikinig sa earphone nya. ~Nakakabagot pag may klase. Mas nakakabagot naman pag wala!~
"Uy!" hindi sya dumilat. Tumabi ito sa kanya pero hindi nya pinansin. Umusod ito hanggang magkadikit na sila.
"Pwede ba lumayo ka?! Wala ako sa mood makipag basagan ng mukha ngayon." boses pa lang kilala nya na kung sino ito.
"Anong kanta?" bago pa sya makasagot nakuha na nito ang isang earphone. "Hold on parin?" dahil wala nga sya sa mood, pinabayaan nya na ito. Kesa kulitin pa sya lalo.
"Pahiram ng cellphone." pinabayan nya ulit ng kinuha nito yung celphone nya. Natahimik na naman ito saglit. Ng biglang...
"What the!!!..." bilga kasing pinatugtog ng lalake ang 'Guitar ni Kubittake' na kanta sa K-On ng naka todo yung volume. "Sira ka ba? Ba't mo nilipat?!" nailayo ng lalake yung cp nya bago pa nya nakuha.
"Oo na. Ibabalik ko na." bumalik ulit sya sa pagkaka upo at muling pumikit. "Grabe! May alternative, may pop, may rock. Lahat ata meron na dito sa celphone mo. Pero Hold on lang love song. Bakit kaya?!"
"Nakalimutan mo na ba? Yan yung kanta para sa PE natin."
"Kabisado mo na ba yung first part ng choreo?" tumango sya pero nakapikit pa rin.
Bigla syang napadilat ng bunutin ng lalake yung chord sa celphone at umalingawngaw yung kanta. "Ano bang problema mo, Gerald San Jose?!" galit nya itong hinarap.
"Practice tayo nang may magawa ka naman dyan." tumayo na ito. "Sige na. Hindi yung pa pikit pikt ka lang!" tumayo na rin sya. Nagsimula silang magsayaw. Hindi pa nya masyadong kabisado yung first part ng sayaw nila pero inaalalayan sya ni Gerald. Two weeks left before the performance day.
~Hold On by Michael Bublé
Didn’t they always say we were the luck one
I guess that we were once, yeah were once
But luck will leave you cause it is a faithless friend
And in the end, when life is got you down
You got someone here to wrap your arms around
So hold on to me tight, Hold on to me tonight
We are stronger here together, Than we could ever be alone
So hold on to me, And don't you ever let me go..~.
"Perfect!" napatigil sila sa pag sasayaw. Marami na palang nanonood pati si Sir Egay. "I gonna expect that so much in your number. So much passion. The song was perfect. I'm sure your pair will lead your groupmates."
"Ah, Sir, hindi po kami mag partner..." napakamot ulo si Gerald.
"What?! Sorry, my fault. Sige na kayo na ang mag partner. Tas yung mga partner nyo sila na lang." halata sa mata nito ang sobrang saya. Akala kasi nito na ang galing talaga nyang magturo. Passion. It was full of passion.
"Poh?!" sabay silang nagulat sa bilis ng pagbabago ng isip ni Sir Egay.
"Sige na. May klase pa ko." umalis ito na sobrang saya. Kawawa ang sunod nitong klase. Pag masaya kasi ito, nagbibigay ito ng suprise quiz.
"Ang galing nyo ha!" sila Cecille din pala napanood sila. "Kaso, kami naman ni Joseph mag partner."
"Bigla bigla naman kasi!" pinatay na ni JM yung music.
"Ba't nyo kasing naisipang mag practise?! Excited much?! Huh?! Huh?!" ~Ba't ang daming makulit ngayong araw na 'to?! Full moon ba?!~
"Yun yung tanungin mo." nginuso nya si Gerald na namumula sa sobrang hiya.
"Sana tayo na lang magka partner." tumabi na sa kanya si Cecille.
"Oo nga. Di sana hindi ko na kaylangang magsuot ng gown." masuka suka sya ng ipakita ni Melissa yung gown na susuotin nya. Wala na daw kasi itong ibang gown. Nahiram na daw lahat. ~Asa pa naman talaga. Eh yung closet nun parang sa department store sa sobrang dami! Ito lang talaga gusto nya ipasuot!~
"Ire-ready ko talaga yung camera ko." parang kinikilig pa ito.
"Ewan ko sayo!" sinuot nya ulit yung earphone nya. Malapit na sunod nilang klase.
~~~
Chapter by YsunnY
BINABASA MO ANG
ANG ASTIG KONG GF (ON HOLD)
Teen FictionHoy! Ms. Author! Kaylangan ba talagang ako mag-introduce?! [Oo, sige na. Basahin mo na yang script mo. Wag na maarte!] Tss.. Fine! Ahem, Meet Jenna Marie or mas prefer nya ang tawaging 'JM', isang simpleng tibo--- Ack! Ang sakit nun ha! JM: Sinabi n...