8

379 11 1
                                    

CHAPTER EIGHT

"Ma, nandito ko kina Cel. Dito na ko matutulog. Ang lakas ng ulan eh."

["Ok lang Jema. Ingat kayo jan ha."]

"Kayo mag-ingat jan. Walang lalake jan ngayon."

["Asus tong batang to!!! Sige na."]

"Ma, wag ka munang pumasok bukas. Leave ka muna. Please?!"

["Ayoko nga. Bakit ba?!"]

"Ma..."

 

["Day off ko po bukas."]

"Yes!!! Bukas na lang Ma! Bye-bye! Love you!" tinapos na nya yung tawag nya sa mama nya. Hindi na rin nun pumasok yung ate nya.

Lumakas pang lalo yung ulan. May bagyo na pala. Dun na din matutulog sina Hazel at Gerald. Malapit lang bahay ni Gerald pero nagpilit pa din itong dun matulog. May spare room naman kaya ayos lang sa parents ni Cecille.

"Slumber party na 'to ah!" sabi ni Hazel.

"Gusto ko sana ng iced tea pero ang lamig!" humigop si JM mula sa tasa ng tsokolate nya. "Pero masarap din naman tong hot chocolate ni Tita."

"Ay naku basta pagkain game ka!" si Hazel na humigop din sa tasa nya.

Lumapit si Cecille sa kanya na may dalang first aid kit. "O, anong gagawin mo jan? Nasaktan ka ba nung lalakeng yun?!"

"Ano ka ba?! Ikaw kaya may sugat! Namamaga yang kamay mo oh." kinuha nito yung kamay nya na hindi hawak yung mug.

"Talaga?! Hindi ko napansin."

"Pagkain kasi nasa isip mo!" singit naman ni Hazel. Sinimulan na ni Cecille ang paglalagay ng gamot sa kamay nya. “Ang gaspang ng mukha ng lalakeng yun! Ang daming galos ni JM oh!”

"Sino ba yung lalakeng yun?" pumasok si Gerald ng kwarto pero hindi nya sinarado yung pinto.

Binato ni Hazel ng unan si Gerald. "Hindi ka ba marunong kumatok. Pano kung nakahubad si JM?"

"Ba't ako?!" nagulat naman si JM sa biglang pagdawit ng pangalan nya. (¬_¬)

"Si JM?! Maghuhubad?! Makikita kong walang damit?! Naku ayoko ko pang mamatay no!!!"

"Ha?!"

"Bago ko pa marealize yung nakita ko sigurado akong tumigil na ang puso ko sa pagtibok. Nilagutan na ko ng hininga ni JM." (—_\)

"Naman!" (¬‿¬)

Binato ulit sya ni Hazel. "Sira ulo ka!"

ANG ASTIG KONG GF (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon