Chapter 12
"5 minutes." narinig ko mula sa earpiece. Hindi na ko nag abalang sumagot.
Tumingin ako sa relo ko. 30 minutes na lang. Hmp! Ang bagal ng driver nya ha! Male-late na sila!
Naiinip na ko kaya kinuha ko yung donut sa box na nasa dashboard. Hmmm, masarap ha, infairness.
"Incoming." narinig ko ulit. Kukuha sana ako ng isa pa uling donut kaso... "Wala na?! bitin naman!"
Di bale. Andito na rin naman sila eh. Nakita kong lumagpas ang isang makintab na itim na kotse. Bakit ba lagi na lang color black?! Originality please!
"Sighted. Going." sabi ko sa earpiece. Pinaandar ko na yung police car na sinasakyan ko.
Shemay, ang bagal naman nito. May nahuhuli kaya tong violator?
Pinaandar ko na rin yung wang wang nitong sasakyan. "Sir, overspeeding po kayo. Paki tabi po ang sasakyan." sabi ko gamit yung speakers. Pero syempre di sya sumunod. Tinodo ko na yung bilis ng sinasakyan kong pagong hanggang sa malagpasan ko sila. Nang may sampung metro na ang layo ko sa kanya, iniliko ko ang kotse at iniharang sa daan.
Tulad ng inaasahan, huminto ang sasakyan. Pero kung ako ang driver ng kotseng yun, mas papabilisin ko pa at dire-diretso lang. Pakelam ko sa humarang sakin?
Anyway, bumaba na ako ng sinasakyan ko at nilabas yung ticket book? basta yung gamit pang ticket ng mga pulis at lumapit sa itim na kotse. Tinapik ko yung bintana sa driver side, "Sir, overspeeding po kayo. Lisensya nyo po." sabi ko nung bumaba yung salamin at nakita ko yung driver.
Para taasan pa lalo ang cliche level, naka- black coat at white shirt yung lalaking driver. Meron ding lalake sa likod. Mukhang foreigner, amerikano? Ganun din yung suot nya pero parang mas mukhang mamahalin tas naka-shades sya.
"Boss, sensya na. Nagmamadali kami eh. Ito oh." may inabot sya sakin pero imbes na lisensya, P100 bill. Tokwa naman! Ang cheap!
"Pasensya na rin po, sir. Ibigay mo na lang yung lisenya. Di ko na kayo kakasuhan ng bribery." naiinis na ko ha! Kinuha ko yun 'special' ballpen ko at inambang ipang-susulat.
"Will you just f***ing be quick?! I'm f***ing gonna be late! You piece of s**t" singhal nung kano.
Nilabas kaagad nung lalake yung wallet nya at kumuha ng tatlong P1000 bill. "Sir, pang meryenda nyo na. Sige na, tanggapin mo." hinagis nya yung pera sa mukha ko at tangkang itataas ulit yung salamin.
"Oy!" pigil ko sa kanya.
"What the f*** do you still want?! You f***ing s***---" di ko na sya pinatapos. Binaril ko na sya. Ang ingay eh, puro eff at ess sinasabi!
"Sir!" nagulat si driver pero bago pa nya mabunot yung baril nya, pinatamaan ko na agad sya.
BINABASA MO ANG
ANG ASTIG KONG GF (ON HOLD)
Teen FictionHoy! Ms. Author! Kaylangan ba talagang ako mag-introduce?! [Oo, sige na. Basahin mo na yang script mo. Wag na maarte!] Tss.. Fine! Ahem, Meet Jenna Marie or mas prefer nya ang tawaging 'JM', isang simpleng tibo--- Ack! Ang sakit nun ha! JM: Sinabi n...