CHAPTER TEN
<Arthur POV>
“Jenna?” sabi ko pagkatapos kong kumatok, “Bilisan mo na nga!”
“Yeah, yeah.” Sagot nya mula sa loob ng kwarto.
“That’s the fifth time you said that!” sabi ko sabay bukas ng pinto. Nakita ko syang nakatayo sa salamin. Imbes na dress ang suot nya, black t-shirt ng may print na ‘rock on! \m/’, maong pants at rubber shoes. Musta naman yun?
“Pasalamat ka bihis na ko ng pumasok ka. Pag lang---“
“Di ka ba magde-dress? Magpakapormal ka naman.” Putol ko sa kanya. Ang suot ko kasi is white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko ko at black slacks and black shoes.
“San nga ulit tayo pupunta?” tanong nya. Nakalimutan nya?
“Sa burol.”
“Tama. Sa burol, libing, funeral, etchetera. So wag mong pakialaman ang bihis ko. I’ll wear what I want basta its black.” Katwiran nya at hinawi nya pakaliwa ang maigsi nyang bangs, “Tara na. Inaantay na ko nina mama.” Sabi nya sabay labas ng kwarto.
“Tss.. Jenna, nakapag suot ka na ba ng gown? Kahit man lang simpleng skirt?” tanong ko habang hinahabol ko sya.
“Yeah. Nung P.E. presentation namin. Kailangang naming magsayaw ng waltz.” sagot nya nung nasa may hagdan na kami.
“Weh? Maniwala sayo!” sumabay ako sa pagbaba nya.
“Tss... Edi wag ka maniwala!” binuksan ko yung front door at pinauna na syang lumabas.
“Kung nagsayaw kayo ibigsabihin may partner ka. So, sino ang malas na lalake?”
“Hi Tito!” iniwasan nyang sagutin yung tanong ko, obviously.
“Let’s go.” Sabi ni Dad na nakaupo sa shotgun seat katabi ni Manong driver. Sensya naman! I always drive my own cars and bikes at bihira akong magpadrive kay manong kaya di ko sya kilala! Umupo kami Jenna sa backseat at patuloy ko syang kinulit.
“Jenna, may picture ka ba na naka-dress?”
“Ewan kung may naglakas ng loob na picturan ako.”
“Hahahahaha! Mga duwag naman pala mga classmate mo eh!” pero di na sya nagsalita hanggang makarating kami doon.
“Jenna...” tawag ni Dad.
“Mamaya na lang po.” Sabi nya na nakapikit. Tumango si Dad at lumabas kasama si Manong driver.
“Jenna, ito na ang huli, ba’t ayaw mo silang makita?” nagulat ako ng magsalita sya. Akala ko kasi tulog sya. Di kasi kumikilos.
BINABASA MO ANG
ANG ASTIG KONG GF (ON HOLD)
Teen FictionHoy! Ms. Author! Kaylangan ba talagang ako mag-introduce?! [Oo, sige na. Basahin mo na yang script mo. Wag na maarte!] Tss.. Fine! Ahem, Meet Jenna Marie or mas prefer nya ang tawaging 'JM', isang simpleng tibo--- Ack! Ang sakit nun ha! JM: Sinabi n...