CHAPTER ELEVEN
~Jenna POV~
Hindi ko maiwasang maalala ang araw na yun. Itong daan na to rin ang dinaanan namin ni Arthur nun, ito rin yung kotseng gamit namin. Yun yung araw na nawalan ako ng pamilya...
>> >> >>
*beep*beep*
Napalingon pa kaminina Cecille dun sa bumusinang kotse. Itim na BMW. Wag nyo na itanong kung anong model, di ko yun alam though familiar ako sa logo.
“Sundo mo.” Joke ni Cecille kay Hazel.
“Hahaha! Ok boyfriend mo ngayon Hazel ah! Naka-kotse!” tukso ko rin sa kanya.
“Hoy, single kaya ako as of now!” tanggi nya.
Huminto sa tapat namin yung kotse tas bumaba yung salamin sa may driver seat. “JM, pasaan ka?”
“JM, taksil ka! Akala ko ba ako lang? Kahit tibo ka, minahal kita! Pinaglaban kita kila mama! Tas ganito lang? Sa lalake ka din pala babagsak!” drama ni Hazel.
“Sige, wag ka tumigil sa kalokohan mo Hazel!” sabi ko sa kanya. Tumatawa lang si Cecille. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa driver.
“Masma bang mapadaan? Anyway, pakilala mo ko sa girlfriend mo pati sa isa nyo pang pang magandang kaibigan. Ah, hindi na pala,” binuksan nya yung pinto ng kotse at lumabas, “ako na lang. Hi ladies,I’m Arthur and your names are?”tanong nya kila Cecille.
“Hazel.” Sabi ni Hazel.
“Hi, beautiful Hazel.” Inabot nya yung kamay kaso imbes na makipag-shake hands hinalikan nya yon.
“Wow! Ang lambot ng labi mo! Pwede pahawak? Joke!” nagawanan naman sila. To talagang Hazel na to!
“And you, Miss?” tanong ni Arthur kay Cecille matapos nilang maka get over sa kakatawa nila.
“Cecille.” Teka, tama ba ang nakikita ko? Nagba-blush si Cecille? O.O
“Its a pleasure to meet such beauties.” Aabutin din sana ni Arthur yung kamay nya pero tinabig ko. “problema mo?”
“Wag mong hawaan ng germs si Cecille!” di ako papayag madumihan ang bestfriend ko!
“OA mo!” sabi ni Cecille. If I know gusto lang din nya ma-kiss sa kamay! “Titingnan ko nga kung malambot nga yung labi nya eh!” sabi na eh!
“Tss... yung girlfriend mo hinayaan mong ma-kiss ko tas sa kanya ayaw mo. Tsaka malinis kaya ako! Kaka- toothbrush ko lang!” reklamo ni Arthur.
BINABASA MO ANG
ANG ASTIG KONG GF (ON HOLD)
Teen FictionHoy! Ms. Author! Kaylangan ba talagang ako mag-introduce?! [Oo, sige na. Basahin mo na yang script mo. Wag na maarte!] Tss.. Fine! Ahem, Meet Jenna Marie or mas prefer nya ang tawaging 'JM', isang simpleng tibo--- Ack! Ang sakit nun ha! JM: Sinabi n...