Chapter 14: Avoidance

1.2K 53 1
                                    

CHAPTER 14: Avoidance

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang naglalakad ako patungo sa building namin ay napapatingin ako sa ibang mga estudyante. Kung titingnan mo sila, halatang masaya sila sa mga buhay nila. Pero alam ko hindi lahat sa mga 'yan ay totoong masaya. Ang mga ngiti nila ay may kinukubli ring sakit at lungkot.

Sumakay ako ng elevator kasabay ang ilan ding mga estudyante. Nang makarating ako sa room ay nakita ko sina Remi at Molly. Kinawayan ko sila bago ako naupo sa upuan ko. Ngumiti naman sila sa akin.

Napatingin din ako sa gawi ni Akira. Nagsalubong ang mga tingin namin at ngumiti kami sa isa't isa. Tahimik naman at maayos na nagsimula ang klase until lumipas ang mga oras at lunch break na. Tulad ng nakasanayan ay kasama ko sa iisang table ang dalawa kong kaibigan. Kasama rin namin si Akira.

"By the way, Crystal. How's your weekend?" Remi asked.

"Okay naman."

Bigla ko namang naalala no'ng time na dinala ko sa bahay si Akira at pinakilala sa parents ko. Napangiti ako at napatingin kay Akira.

"Sorry kung hindi ka namin nasamahan na mag-hang-out, ha? Alam mo na, may event kasi kaming pinuntahan ng family ko," Remi explained.

"It's okay. Saka, kasama ko naman si Akira."

Napatigil sa pagkain sina Remi at Molly at tinitigan ako.

"Si Akira?" Remi asked.

"Yes, nagkita kami sa mall kaya ayon, sinulit namin 'yong moment at pagkatapos ay dinala ko siya sa bahay. Pinakilala ko siya kina Mom at Dad and sobrang natuwa sila lalo na si Mommy..." kuwento ko na medyo natatawa pa.

"Pinakilala mo si Akira sa parents mo?" tanong pa ni Akira.

I nod. "Yep."

Pansin ko naman na tahimik lang si Molly at si Akira naman ay nakayuko lang habang patuloy na kumakain.

"Is that so?" Bumalik na si Remi sa pagkain niya.

"Yes. It was a happy moment," I said with a broad smile.

Biglang nahulog ang kutsara ni Molly.

"Ikukuha nalang kita ng bago." Tatayo na sana si Remi ngunit pinigilan naman siya ni Molly.

"Hindi. 'Wag na. Nawalan na rin kasi ako ng gana, eh."

"Ayos ka lang ba, Molly?" worried na tanong ko sa kaniya. Sandali niya pa muna akong tinitigan bago siya tumango.

"Ako rin parang bigla akong nawalan ng gana. Biglang sumakit ang ulo ko," wika naman ni Remi. "Molly, puwede mo ba akong samahan sa clinic?"

"Sure." Tumayo silang dalawa. "Una na kami, ah? Samahan ko lang si Remi sa clinic," paalam ni Molly.

"Ahh—" Bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay nakaalis na sila.

"Are they okay?" tanong naman ni Akira na natigil din sa pagkain.

"Don't worry, ayos lang sila. Tara, kumain na lang tayo," nakangiting tugon ko sa kaniya.

Matapos naming kumain ay pumunta kami ng school clinic, ngunit hindi naman namin nakita sina Remi at Molly doon. Saan naman kaya sila nagpunta?

"Akala ko ba sa clinic sila nagpunta? Pero bakit wala naman sila doon?"

"Baka umalis din sila agad at nagpunta sa kung saan," sambit ni Akira.

"Baka nga," I agreed.

-

Remi's P.O.V.

Nagtungo kami ni Molly sa school clinic, ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay huminto ako.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon