CHAPTER 15: Confront
Crystal Leigh's P.O.V.
It's weekend and I decided to hang out alone again. Obviously, gano'n pa rin ang sitwasyon sa pagitan namin ng mga kaibigan ko.
Hindi ko ma-feel ang pag-gagala ko ngayon lalo na at mag-isa ako. Gusto ko man silang i-text at tawagan, alam ko naman na hindi rin nila sasagutin. Ayokong mangulit dahil baka makulitan na sila sa akin at mas lalo lang nila akong iwasan. Si Akira naman ay ayaw ko ring abalahin.
Tinamad na ako sa pamamasyal kaya naman nagtungo nalang ako sa grocery store dahil ubos na 'yong mga stocks ko.
Inikot ko ang iba't ibang section at nilagay sa cart ko ang mga kailangan ko. Mayamaya lang ay napansin kong parang masyado nang marami ang laman ng cart ko kaya itinigil ko na ang pagkuha ng kung ano-ano at nagtungo na sa counter. Habang nasa pila ay may natanaw akong dalawang babae na nakatayo sa fruit section. Nakalingkis ang isang babae ro'n sa isa pang babae. Noong una akala ko magkapatid sila, kaya gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung paano sila naghalikan. Iniwas ko agad ang tingin ko at nag-focus na lang sa pila na kaunti na lang at turn ko na.
Maybe they're a lesbian couple.
Bigla namang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Akira.
Teka? Bakit ko naman biglang naisip si Akira?
Ipinilig ko ang ulo ko sa magkabilang side nang ma-realize ko na wala na pa lang taong nakapila sa harap ko. Matapos ma-compute no'ng cashier ang mga pinamili ko ay nagbayad na ako sa kaniya.
"Keep the change," sabi ko nang balak niya pang ibalik sa akin ang sukli.
"Thank you po."
Ngumiti lang ako sa kaniya at kinuha ko na ang mga pinamili ko. Sa una ay medyo nahirapan pa ako dahil napakarami at may kabigatan din. Naalala ko tuloy no'ng mga panahon na sinasamahan ako lagi nila Remi at Molly kapag mag-go-grocery ako.
Hays, I missed them.
Medyo nahihirapan akong buhatin ang mga bitbit ko kaya naman binagalan ko lang ang paglalakad ko.
"Hey, Miss! Need help?" Biglang lumapit sa akin ang isang lalaki na siyang ikinainis ko.
Bakit ba palagi na lang may lalaking lumalapit sa akin? As much as I tried to avoid them ay madalas ko naman silang maka-encounter.
Hindi ko siya pinansin instead ay nilampasan ko lang siya. Kaso sinundan niya ako.
"That looks heavy. C'mon let me help you-"
"Ano ba?!" Akmang kukunin niya ang ilan sa mga bitbit ko kaya naman sinigawan ko siya.
"Tutulungan lang naman kita, wala namang masama ro'n, ah?"
"I don't need your fvcking help! Humingi ba ako ng tulong sa 'yo? 'Di ba, hindi?!"
"Calm down. Wala naman akong masamang intensiyon. I just really wanted to help you, that's all."
"Well, I don't care! Kaya puwede ba umalis ka na at kaya kong bitbitin lahat ng 'to," madiin na wika ko kaya naman wala na siyang nagawa at umalis na.
I took a deep sigh. "Men are getting on my nerves!" I hissed.
Nagsimula na ulit akong maglakad at tuluyan na akong nakalabas ng grocery store. Pero napahinto ako nang biglang may tatlong lalaki ang nakaabang na animo'y may hinihintay.
Sinubukan ko silang lagpasan nang biglang may humawak sa balikat ko kaya nahinto ako sa paglalakad. Gustuhin ko mang tabigin ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa balikat ko ay hindi ko magawa dahil sa mga hawak ko.
BINABASA MO ANG
She Takes My Breath Away (GxG)
RomanceCrystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, will befriend the new transferee student - Akira Takahashi. She later found out that they both shared the same reason and that is to abstain fr...