Chapter 03: Forlorn Smile

2.4K 85 1
                                    

CHAPTER 03: Forlorn Smile

Crystal Leigh's P.O.V.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom nang may nakabangga ako.

"Sorry!" paghingi ko ng paumanhin. I lifted up my head to see whom I was bumped into.

"Gia..."

"Are you alright, Crystal?" she asked while checking my body.

"Yes, I am."

"I'm really sorry."

"Ah, no. Ako dapat ang humihingi ng sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," I said to her.

"Alright, kasalanan natin pareho. By the way, papasok kana sa classroom?"

"Ahm, yes. Ikaw? Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya dahil iba ang direksiyon niya.

"May nakalimutan kasi ako kaya kailangan kong balikan. So, I gotta go?"

"Yeah, sure."

"You sure you're alright, ha?" usisa niya pa habang humahakbang na siya palayo. I just nodded at her while smiling.

Karamihan dito ay ayaw kay Gia dahil daw sa malditang ugali nito. Pero para sa akin she's a nice person. Siguro, dahil maayos rin naman ang pakikitungo ko sa kaniya? Gayo'n pa man, minsan napapansin ko nga rin na maldita siya lalo na kapag may ginawa ka o sinabi na hindi niya nagustuhan. Well, siguro nga wala lang siyang nakikitang problema sa akin. But, hindi naman tama na husgahan nila si Gia just because of her sometimes attitude. She's a nice person, iyon nga lang depende rin siguro sa taong kaharap niya. Well, ako hindi ko masasabing magkaibigan kami pero hindi rin naman kami magkaaway. Maybe classmates is the proper word for us to described.

I continued walking until I reached the door of our classroom. Nang ilibot ko ang tingin sa loob ay isa pa lang ang nandoon. Maaga lang siguro talaga akong pumasok. I started to walk at umupo sa seat ko. I took a glance at Akira who's now reading her book. Ang sipag naman niyang mag-aral. Bukod do'n, maaga rin siyang pumasok.

"Good morning!" bati ko sa kaniya. Naagaw ko ang atensiyon niya at ngumiti siya sa akin.

"Good morning!" bati niya pabalik. I just smiled back at bumalik na siya sa ginagawa niya. Wala pang ilang minuto ay dumating na rin ang iba pa naming mga classmates pati na rin sina Remi at Molly.

Habang nagdi-discuss ang teacher namin ay iginala ko ang tingin ko sa mga classmates ko. Lahat sila ay nakatuon lang ang atensiyon sa pakikinig. Kaya naman, itinuon ko nalang din ang focus ko sa harap.

Nang matapos ang discussion ay sumapit na ang lunch break. Nang mapatingin ako kay Akira.

"Akira, sumabay kana sa amin na mag-lunch," nakangiting alok ko sa kaniya.

"Okay," she replied smiling.

Habang naglalakad kami patungong canteen ay pansin ko na hindi komportable si Akira sa ginagawa ni Remi na pag-angat ng skirt niya.

"Pasensiya kana, ha? Gawain niya na talaga 'yan eh," I mumbled.

"Gano'n ba?"

"Uhm." I nod. "Sanay na kami sa kaniya. Saka don't worry, bukod sa amin, sanay na rin ang iba sa kaniya. Kasi araw-araw niyang ginagawa 'yan." I giggled.

"Buti nalang at nasa all-girls school tayo."

"Sinabi mo pa. That's why she's very confident. Maybe, she's just flexing her legs or panties? Or whatever..." Pareho naman kami ni Akira na natawa.

"Pero hindi ba may mga lalaking teachers din dito?"

"Don't worry, may sarili silang canteen. And for sure naman hindi gagawin 'yan ni Remi if ever may boys, right?"

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon