Chapter 35: Living With Heartache

1K 35 0
                                    

CHAPTER 35: Living With Heartache

Akira's P.O.V.

"Did you call her?" Napalingon ako kay Haru nang bigla siyang magtanong. Nakatayo siya ngayon sa tabi ko habang dala ang mga maleta namin.

"Yeah. But she's not picking up her phone," walang ganang sagot ko nang muli kong ituon ang paningin ko sa entrance ng airport.

"Did you inform her about our flight today?"

I nod. "Yes. Let's just wait a little longer."

My chest is so heavy that I couldn't even breathe properly. Umaasa akong darating siya. Umaasa ako na in a last minute, ay pipigilan niya ako. Kanina ko pa iniisip ang mga positibong bagay. Ayokong mawalan ng pag-asa, habang hindi pa kami umaalis. May oras pa. Hihintayin ko siya.

Pero talaga nga bang darating siya para pigilan ako? Magbabago pa kaya ang isip niya? Bawat minutong lumilipas ay kaba ang dulot no'n sa dibdib ko. Kung ako lang ang masusunod. Hindi ako aalis. Ang akala ko pa naman ay magbabago na ang isip niya no'ng may nangyari sa amin kagabi.

-
{ FLASHBACK }

I slowly opened my eyes. The white ceiling was the first thing I saw. I slowly tilted my head to my side, but she's no longer beside me. Dahan-dahan akong bumangon paupo nang ma-realize kong wala nga pala akong suot na damit. Iginala ko ang tingin ko sa buong kuwarto at nakita ko sa sahig ang uniform ko.

Napangiti ako nang maalala ko iyong nangyari kagabi. That was a great moment for the both of us. We love each other so much, at ipinaramdam namin sa isa't isa iyon kagabi. Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang mga halik at haplos niya sa akin.

But, nasaan na nga ba siya? Bumangon ako sa kama habang nakabalot ang kumot sa katawan ko at dinampot ang mga damit ko sa sahig saka nagbihis. Lumabas ako ng kuwarto nang may maamoy akong something na nagmumula sa kitchen. Doon ako nagtungo. Napangiti ako nang matanaw ko siyang nagluluto.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. "Good morning," malambing kong bati sa kaniya at inamoy ang leeg niya.

"Gising ka na pala. Nagluto ako ng breakfast," she then held my hand and dragged me to the table.

"Wow," mangha kong reaksiyon at dahan-dahan na umupo sa upuan. Umupo naman siya sa tapat ko. "This is great. Pakiramdam ko nakatira tayo sa iisang bahay," nakangiti kong hayag. Unti-unti namang nawala ang ngiti sa mga labi niya kaya nagtaka ako. "May problema ba?"

Marahan siyang umiling. "Wala. C'mon, let's eat."

Nagsimula na kaming kumain at pansin kong may kakaiba sa kaniya. Matapos naming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin. So far, masaya naman kami.

"Umuwi ka na. Baka hinihintay ka na sa inyo. Later na ang flight ninyo, 'di ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya nang magtungo kami sa sala. Hindi makapaniwalang hinarap ko siya. "W-What do you mean?"

"Sundin mo na lang ang gusto ng daddy mo," tugon niya habang hindi nakatingin sa akin.

"Ano? B-Bakit?" Hindi ako makapaniwala. Bakit niya sinasabi 'to? "Leigh... Akala ko ba, okay tayo? Mahal mo 'ko, 'di ba? Bakit mo 'ko pinapaalis?"

Sandali siyang tumingin sa akin pero mabilis din na nag-iwas. "Yes. I love you, Akira. I really do. But I don't think... we will work."

May kung anong tumusok sa dibdib ko dahilan upang bahagya akong mahirapan sa paghinga. "No. That's not true. We can make it work, Leigh. As long as we love each other, we can make it work. Iyong nangyari sa atin kagabi? What was that? Hindi pa ba sapat iyon para mag-stay ako rito kasama mo?"

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon