Chapter 24: Talk

1K 44 5
                                    

CHAPTER 24: Talk

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang pababa ako ng hagdan ay natanaw ko ang dalawang kuya ni Remi. Nakatingin din silang dalawa sa akin na parang hinihintay talaga nila ako.

"Dito ka na mag-dinner," nakangiting alok ni Resty.

"Hindi na. I really need to go home," tanggi ko. Kahit si Remi pinilit din ako na mag-dinner dito but I can't. I really need to take my medicines.

"Are you sure? I insist. Isa pa, masarap naman magluto ang mga maids namin dito. We can also cook for you," he said but I just shook my head.

"I really have to go." Napaawang ang bibig niya. "Maybe next time?" saad ko dahilan upang bahagyang lumitaw ang ngiti sa mga labi niya.

"Sure. Ihahatid na kita pauwi."

Tatanggi na sana ako nang bigla namang nagsalita si Renz.

"Ako na maghahatid sa kaniya."

"Ako na," pagpupumilit ni Resty. Nagsukatan sila ng tingin kaya sumingit na ako.

"I can commute," with that ay humakbang ako patungong pintuan.

"I'll ride you home." Biglang humarang sa harap ko si Renz. Nilingon ko naman si Resty at tumango lang siya sa akin.

"Okay, then." Lumabas na kami ng bahay at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse sa passenger seat. Umikot siya at pumasok na sa driver's seat. Tumingin siya sa akin at akmang isu-suot niya sa akin ang seat belt pero pinigilan ko siya.

"Ako na."

"Okay." Umayos siya ng upo and then he started the engine. Ako naman ay isinuot na ang seat belt.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami hanggang sa siya na ang bumasag nito. "By the way, ahm... about Remi," he started habang naka-focus siya sa pagda-drive. "I can sense that she's not okay."

"Yah. But I guess, I have no right to tell you why," saad ko habang nakatingin din ako sa harap.

"I understand. That's what you call girls talk?"

"Yeah. But you can ask her if you want to."

"I bet she's not going to tell me. Is it about love? Is she in love?"

"I can't answer you with that. I'm sorry."

He chuckles. "It's okay."

Si Remi lang ang nag-iisang prinsesa nila. Paano kaya kapag nalaman nilang sa prinsesa rin nahulog ang only princess nila?

Isinandal ko ang ulo ko sa bandang bintana at tumingin sa labas. Hindi ko man lang namalayan na gabi na pala.

After a couple of minutes ay nakarating na kami sa condo unit ko. Nagpahinga lang ako saglit at ininom ang gamot ko. Habang nakaupo ay napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.

"Ahm... Well, it's really far different from being in love with your opposite gender. I mean... based on my experience it's more scary. And it's more hurtful."

What Molly said earlier hit me. Yeah... being in love is scary and it hurts.

***

Matapos naming mag-lunch ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng library. Gusto pa nila akong samahan but I refused.

On my way there I saw Gia walking all alone. I walked towards her and she stopped when she saw me right in front of her.

"Crystal."

"Do you have a moment?" I asked.

She just nod. Umupo kami sa malapit na bench. I think hindi pa sila nag-uusap na dalawa. But I wanted to help them, especially Remi as much as I can.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon