Chapter 25: Remedy

981 39 0
                                    

CHAPTER 25: Remedy

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang nagtuturo ang teacher namin sa harapan ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil napapansin ko ang madalas na pagsulyap ni Remi kay Gia na siyang sumusulyap din sa kaniya. Sa nakikita ko, mukhang maayos na silang dalawa. Hindi tulad noon, makita lang ni Remi si Gia pakiramdam niya ay sira na agad ang araw niya. Mabuti at naging maayos ang pag-uusap nila.

Lumipas ang ilang oras at natapos ang ilang mga subjects. Magkakasama kaming pumunta ng canteen at sa unang pagkakataon ay nakasama namin si Gia sa iisang table.

"Mabuti at pumayag kang sumabay sa amin?" Ngumiti ako kay Gia na katabi ni Remi.

"Well, it's for Remi."

I noticed Remi sly a smile at napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya. Malamang ay in love nga talaga siya.

"Mabuti naman at okay na kayo." Sumubo ako ng pagkain at dahan-dahan iyon na nginuya.

"Puwede ba, Crystal? 'Wag na nga kami ang gawin mong topic!" Remi complained that made us laugh.

Tulad ng sinabi niya ay hindi na ako nagtanong pa ng anumang tungkol sa kanila, instead ay nanahimik na lamang ako hanggang sa matapos na kaming kumain.

"Mukhang nagkakamabutihan na sina Gia at Remi," Akira suddenly said while we're searching for a books in a shelves here in the library. Niyaya ko kasi siya rito habang sina Molly naman ay nasa field.

"You're right," I agreed. "And I'm so happy for them. Feeling ko nga mas lalalim pa ang relasyon nila, e," I added.

"Halatang in love talaga silang dalawa, dahil nakikita ko 'yon sa mga mata nila."

Huminto ako sa pagtingin sa mga libro at humarap sa kaniya. "Can you stared at my eyes?"

"Ha? Stared what?"

"You said na kapag in love ang isang tao ay makikita mo iyon sa mga mata nila. Puwede mo bang titigan ang mga mata ko?"

Nagsimula na siyang titigan ang mga mata. Eye-to-eye kaming dalawa at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng dibdib ko kaya mabilis kong itinakip sa mukha ko ang librong hawak ko.

"Anong problema?" she innocently asked.

"Nothing," I replied and continued searching for the books while still being wondered by the weird feelings that I've felt.

-

Remi's P.O.V.

Buong araw akong nakangiti at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag in love ka. Sa sobrang ngiti ay parang mapupunit na ang mga labi ko. Hanggang sa kasalukuyan na naglalakad kami palabas ng school ay nakangiti pa rin ako. Hindi ko talaga mapigilan lalo na sa tuwing naiisip ko siya. Wala pa kaming relasyon pero masaya ako sa kung ano man ang mayroon kami. Nagkakaintindihan kaming dalawa at sapat na iyon. Pakiramdam ko nga ay nababaliw na ako, eh.

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng palda ko. Nakita kong may message kaya binasa ko iyon.

Gia:
Pumunta ka rito sa classroom.
I'll show you something.

Sa classroom? Nasa classroom pa siya? Pero bakit niya ako pinapapunta roon? Anong ipapakita niya?

Sinulyapan ko sina Crystal at Molly na medyo malayo na. Kaya hindi na ako nag-abala pang tawagin sila para magpaalam. Naglakad ako pabalik sa classroom at habang naglalakad sa hallway ay namutawi na naman ang ngiti sa mga maninipis kong mga labi.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon