CHAPTER 30: Haru
Remi's P.O.V.
"Remi!"
Hinanap ko kung saan nanggaling 'yong boses no'ng biglang tumawag sa akin. Palingon-lingon ako nang makita ko si Gia na nakatayo sa labas ng gate habang nakangiting kumakaway sa akin. Napangiti naman ako at mabilis na naglakad palapit sa kaniya.
"Gia! Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba papasok?"
"I'm waiting for you. Gusto ko kasing sabay na tayong pumasok," sagot niya na mas lalong nagpalapad sa ngiti ko. "Let's go?" Bahagya akong nagtaka nang ilahad niya sa akin ang kamay niya.
Biglang uminit ang mukha ko nang kusa niyang hawakan ang kamay ko. Napapikit naman ako dahil ang slow ko sa part na 'yon.
We're walking while holding each other's hands. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. All I know is that I'm happy when I'm with her. I'm happy when we're together.
Palapit pa lang kami sa building nang mapahinto ako sa paglalakad. Napahinto rin si Gia dahil magkahawak ang mga kamay naming dalawa.
"Remi, what's wrong?" she asked and eventually turned her eyes in the direction I was looking at.
"Sa tingin mo ba, okay na silang dalawa?" I asked while my eyes are fixated on both Crystal and Akira. They're sitting together on a bench. Just like us, they're hands are holding each other too. Naibaling ko naman ang tingin ko kay Gia nang hindi ito sumagot. "Gia? Okay ka lang ba?" tanong ko bago ako napalunok. Nakatitig pa rin siya sa direksiyon nina Crystal... Ayokong isipin na apektado siya sa nakikita niya.
"Yes, I'm okay," she replied as she looked at me.
"Are you sure? Tell me, affected ka ba sa kanilang dalawa?" I don't know why I ask that kind of question. But, I'm hoping her answer will not be a dagger into my chest.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Of course, I'm not affected. Actually, I'm happy. Kung okay na silang dalawa, that would be great, right?"
Tumango ako sa kaniya bilang pag-sang-ayon. "Tama ka. You think, may namamagitan na sa kanilang dalawa?" nag-aalangan kong tanong. Gusto ko lang kasi talagang masiguro kung talaga bang hindi na siya apektado.
"I don't know. Pero kung meron man, I'm happy for the both of them. I want them to be happy, just like us." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Masaya ako dahil alam kong hindi na siya apektado at hangad niya rin ang kasiyahan ng kaibigan ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sana nga talagang okay na sina Akira at Crystal. Pero sa nakita ko, mukhang okay naman na sila.
Umamin na kaya si Akira?
-
Crystal Leigh's P.O.V.
Nang lumabas na ang teacher namin ay lumabas din ako at nagpunta ng Comfort Room. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang ihi ko at kailangan ko na itong ilabas. Pagpasok ko sa loob ay tahimik. Mukhang walang tao. Papasok na sana ako sa isang cubicle nang maagaw ang atensiyon ko ng isang munting ingay na narinig ko mula roon sa pinakadulong cubicle.
Ano kaya 'yon? May tao kaya ro'n?
Naglakad ako palapit doon. Medyo nakabukas nang kaunti ang pinto no'n, pero sigurado ako na roon mismo nanggagaling ang ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kong binuksan iyon at automatic na napaawang ang bibig ko...
"Crystal?!" gulat na reaksiyon ni Jane.
"S-Sorry," utal kong hingi ng paumanhin saka ko isinara ang pinto. Nagmadali akong pumasok sa ibang cubicle at naupo sa toilet bowl.
BINABASA MO ANG
She Takes My Breath Away (GxG)
RomanceCrystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, will befriend the new transferee student - Akira Takahashi. She later found out that they both shared the same reason and that is to abstain fr...