EPILOGUE
Crystal Leigh's P.O.V.
"Till My Heartaches End"
I recall when you said that you would never leave me ~
You told me more ~
So much more, like when the time you whispered in my ear ~
There was heaven in my heart ~
I remember when you said that you'd be here forever ~Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang marahan na umaandar ang speed boat. Nililipad ng hangin ang buhok ko. Mas lalo ko ring hinigpitan ang pagkakayakap ko sa urn na hawak ko. Mayamaya pa ay lumapit sa akin si Haru at hinawakan ako sa balikat. Tumango ito sa akin na animo'y sinasabing kaya kong gawin 'to.
Then you left without even saying that you're leaving ~
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday ~
And I pray that you would stay ~
But then you're gone and, oh, so far away ~Binuksan ko ang urn kasabay ng lalong pagragasa ng mga luha ko. Hanggang ngayon, masakit pa ring tanggapin na wala na si Akira. Bakit ba ang saklap ng buhay?
Kahit na lubos na nagdurusa ang puso ko ay dahan-dahan kong itinapon sa dagat ang ashes niya. Ipinaubaya sa akin ng mga magulang niya ang bagay na 'to. Alam kong masakit pa rin para sa kanila ang nangyari. At hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko.
I was afraid this time would come ~
I wasn't prepared to face this kind of hurting from within ~
I have learned to live my life beside you ~"I love you, Akira. Hinding-hindi magbabago 'yon," saad ko sa gitna ng bawat paghikbi ko. "Bakit gano'n? Ang daya-daya mo. Bakit mo ako iniwan na mag-isa?"
Maybe I'll just dream of you tonight ~
And if into my dream you come and touch me once again ~
I'll just keep on dreaming ~
'Til my heartaches end ~"Akira... Hinding-hindi kita makakalimutan. Mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko. 'Wag kang mag-alala... Pinapangako ko sa 'yo... na iingatan ko ang puso ko. Sana kung nasaan ka man ngayon... Sana masaya ka. Sana malaya ka. At sana kahit man lang sa panaginip ko... Please, magpakita ka."
***
"Haru? What's the matter?" tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya. Humarap siya sa akin at una kong napansin ang mga mata niyang halatang kagagaling lang sa pag-iyak.
"Shall we go?" nakangiti niyang yaya.
"I know it's difficult to accept, and I also know it's painful for you to lose her," I said.
"Yeah, right. And I'm really sorry," bahagya siyang yumuko at kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.
"Bakit ka nagso-sorry?"
He sniffed. "Please forgive me... Forgive me for the heart donor that was supposed to be for you... but ended up with my cousin. If it had gone to you, maybe things wouldn't have turned out like this. Akira might still be alive... Please forgive me. I'm really sorry."
I was speechless. My hope back then suddenly disappeared and became someone else's hope. I don't know what I must feel right now. Should I be sad and mad? Or should I be happy that his cousin had finally recovered?
"Haru... Let's go," tanging nasabi ko na lang at nauna na akong sumakay ng kotse. Ilang sandali pa ay sumakay na rin siya at umalis na kami.
Habang nasa biyahe ay muling bumalik sa isip ko ang mga alaala naming dalawa ni Akira. Masaya kami noon. Nagkaroon din ng mga problema pero naging maayos din naman ang lahat kalaunan. Subalit, kapag naaalala ko ang aksidente... Parang dinudurog ang puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/313495883-288-k363967.jpg)
BINABASA MO ANG
She Takes My Breath Away (GxG)
RomanceCrystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, will befriend the new transferee student - Akira Takahashi. She later found out that they both shared the same reason and that is to abstain fr...