CHAPTER 26: Someone Special
Rex's P.O.V.
"I really can't believe what I saw. Totoo ba talaga 'yon?" Renz asked unbelievably.
"Renz. We saw it and it was real," Resty retorted like he was so certain.
"But... I don't know what to say. Hindi ako makapaniwala. Kaya naman pala walang boyfriend si Remi at wala siyang nababanggit sa atin na lalaki, dahil sa babae rin pala siya may gusto," si Renz na batid mong hindi pa rin makapaniwala.
"Renz. We still don't know what the truth is. 'Wag ka nga munang mag-isip nang ganyan."
We are here in the living room. Shock and unbelievability are written on our faces, matapos naming ma-witness 'yong nangyari kanina sa kuwarto ni Remi.
"How about you, Kuya? Wala ka man lang bang sasabihin?" Renz asked me and I just stared at his confused face. Like them, I also don't know how to react to this thing.
I sighed. "I'm still hoping that it was a dream," finally, I said a words. "Even if I know that it was real... Indeed real." Naging mahina ang boses ko sa pagbigkas ko ng mga huling salita.
"Anong nararamdaman mo ngayon, Kuya?" Resty asked. I want to ask him why he still asked me that question, when in fact it's obvious for them and they're aware of it but then, I just laughed it off.
I didn't respond to him. Magulo ang isip ko ngayon, lalo na ang nararamdaman ko. Sa aming tatlo, ako itong mas nagulat at mas naapektuhan. At first, ang akala ko talaga ay hindi totoo iyong sinabi ni Gia na gusto niya ang kapatid ko. I just thought na baka sinabi niya lang iyon para i-reject ako. Pero hindi ko inasahan kung anong makikita namin sa loob ng kuwarto ni Remi, na dapat ay kukumustahin lang namin ang pakiramdam niya. We were all surprised and until now I don't know what to think.
"Paano ba 'yan, Kuya? Mukhang karibal mo pa ang bunso natin," natatawang panunukso ni Resty. "Sa dami ng mga babaeng may gusto sa 'yo, do'n ka pa na in love sa babaeng hindi type ang mga katulad mo." Ngumisi ito na parang nanunuya.
"Tss." Sinamaan ko lang siya ng tingin at sinulyapan ko naman si Renz na blangko ang reaksiyon ng mukha. "Nang-aasar ka ba? Bakit tingin mo ba lalaki rin ang tipo ng babaeng nagugustuhan mo?" muling patutsada ko kay Resty.
Biglang sumeryoso ang mukha nito na tumingin sa akin. "What do you mean?"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tanging mapang-asar lang na ngisi ang naging tugon ko sa kaniya. Muli kong sinulyapan si Renz na ngayon ay nasa akin ang tingin na parang nagtatanong. Tumayo ako at iniwan sila.
Bahala na silang isipin kung ano ang ibig kong sabihin. I know that the both of them are into Crystal. At napansin ko lang na parang sa iba rin intresado ang kaibigan ni Remi. Hindi ako sigurado, pero mukhang do'n siya intresado sa haponesa. Kawawang mga kapatid.
-
Molly's P.O.V.
Nang huminto ang sasakyan ay lumabas ako at nasa tapat ako ngayon ng isa sa mga mamahaling restaurant. Habang hawak ang purse ay pumasok ako sa loob at may lalaking waiter na sumalubong sa akin.
"Good evening! Is your name Molly Ordoñez?"
"Yes."
"This way po, ma'am." Sinundan ko kung saan siya papunta at sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang table habang may isang lalaki na nakaupo roon.
"Enjoy your dinner, ma'am." Ngumiti sa akin ang waiter bago siya tuluyang umalis. Umupo naman na ako sa tapat ng lalaking ngayon ko lang nakilala.
"Close your mouth, flies might go inside it," I said coldly dahil until now ay nakaawang pa rin ang bibig niya simula kanina nang makita niya ako
BINABASA MO ANG
She Takes My Breath Away (GxG)
RomanceCrystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, will befriend the new transferee student - Akira Takahashi. She later found out that they both shared the same reason and that is to abstain fr...