Chapter 19: Worried

954 38 0
                                    

CHAPTER 19: Worried

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang naglalaro sina Remi ng volleyball ay naupo lang ako sa bench. Ewan ko ba pero pakiramdam ko sumasakit na naman ang dibdib ko.

Sinulyapan ako ni Molly at ngumiti siya sa akin. I just smiled back at her. Maya-maya lang ay napahawak na ako sa chest ko.

Mas lalong sumikip ang paghinga ko...

Masakit...

-

Remi's P.O.V.

Habang naglalaro kami ng volleyball ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sulyapan si Crystal na nakaupo sa bench hindi kalayuan sa amin.

Kanina ko pa napapansin na parang may iniinda siyang sakit. Nag-aalala ako sa kaniya lalo na at alam ko ang kalagayan niya. Si Crystal kasi 'yong tipong hindi niya sasabihin sa 'yo ang mga bagay na alam niyang ipag-aalala mo. Kaya naman mas lalo lang kaming naging worried sa kaniya.

Habang paatras ako mula sa net ay nakatingin ako kay Crystal. Sinipat ko siyang mabuti at napansin ko ang biglang paghawak niya sa dibdib niya.

Crystal, what's wrong?

"Remi!" rinig kong sigaw ni Molly sa pangalan ko kaya napalingon agad ako at nakitang patungo sa direksiyon ko ang bola. Agad akong umiwas pero natamaan pa rin ako sa braso.

Masakit 'yon!

Dahil sa lakas ng impact ay bahadya akong natumba.

"Remi, ayos ka lang?" nag-aalalang lumapit sa akin si Molly.

"Yah... Molly, si Crystal..." when I mentioned her name ay agad napatingin si Molly sa gawi niya.

Walang salitang umalis siya at pinuntahan si Crystal. Tumayo na rin ako at saka tumakbo palapit sa kanila.

"Hey, Crystal! What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Molly.

Nang tuluyan ko na siyang malapitan ay napansin ko na para siyang nanghihina. Dahil doon ay bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.

"Crystal..." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat.

"It h-hurts..." she said in a very low voice.

"Molly, dalhin natin siya sa clinic."

Agad namang tumango sa akin si Molly at inalalayan namin si Crystal patungo sa clinic. Hindi ko na rin napansin 'yong iba pa naming kalaro. Kahit ang braso ko na medyo makirot ay hindi ko na rin pinansin pa.

Nang dalhin namin siya sa clinic ay tinulungan agad kami no'ng nurse na naroon. Lumabas na kami at umupo sa upuan na nasa labas ng clinic.

"Molly... I'm worried."

"Me too. I hope she's fine."

"Wala na ba talagang ibang paraan para gumaling siya sa sakit niya?" I took a deep breath para maibsan ang pag-aalala ko.

"I hope there is. Pero heart transplant na lang talaga ang nakikita kong paraan for a long time option."

"Wala pa rin bang nahahanap na heart donor ang parents niya?"

"Unfortunately, hindi gano'n kadali. I even asked help from my mom pero hindi talaga gano'n kadaling humanap ng heart donor."

"Magpapatulong ako kay Daddy at sa mga kuya ko. For sure naman with their help makakahanap din tayo ng donor..."

"I hope so."

"Molly..."

"Hmm?"

"I'm scared..."

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon