Chapter 06: Slow Motion

1.6K 60 2
                                    

CHAPTER 06: Slow Motion

Remi's P.O.V.

"I'll fetch you here later, okay?" Kuya Renz said as the car stopped not so far from our academy's gate.

"Okay," walang ganang sagot ko at bumaba na ng kotse.

"Bye! Take care!" habilin niya.

"You take care!" sigaw ko sa kaniya no'ng umandar na 'yong kotse niya.

Hays kahit kailan talaga napaka-protective nila. Bakit ba kasi kailangan pa akong ihatid sundo eh hindi naman na ako bata eh! Kaasar!

Nagsimula na akong maglakad palapit sa gate, when I saw Crystal.

"Crystal!" Kinawayan ko siya.

Ngumiti siya nang makita niya ako. Inakbayan ko siya no'ng makalapit na siya sa akin.

"Sabi na eh. Ikaw 'yong bumaba sa kotse," turan niya.

"Ah yeah. Hinatid kasi ako ng kuya ko. At mamaya susunduin niya raw ako, hayst!" naiinis na wika ko.

"Ang sweet naman ng kuya mo," she said habang naglalakad na kami papasok ng school.

"Anong sweet do'n?! Tss, ginagawa nila akong bata eh hindi naman na ako bata!" I whined.

"Ano ka ba? You're still lucky kasi may mga kuya ka. They're protecting you and they care for you. You should appreciate that."

"Para ka namang nanay ko kung pagsabihan ako."

"Grabe naman 'yong Nanay. Pwede namang ate ah?" Tinaasan niya ako ng kilay. Natawa naman ako sa kaniya. Inalis niya 'yong kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko.

"Aish! Ano ba, Crystal!"

Tumawa naman siya. Oo nga pala, mas matangkad siya sa akin. Hayst!

"Huwag ka na kasing magreklamo riyan!" Inakbayan naman niya ako at naglakad na kami ulit.

"Aish! Para kang kuya ko, kainis."

"Ano? Mukha na ba akong lalaki ha?" Bigla na naman niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Crystal! Nakaka-ilan ka na, ah!" I glared at her pero tumatawa lang siya. Nang balakin niya ulit na guluhin ang buhok ko ay nahawakan ko ang kamay niya. Nagitla naman siya sa ginawa ko.

"Crystal..." Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. She just pouted na parang bata.

Aish! Bakit ba ang kyut niya.

Pero gano'n na lamang ang gulat ko nang muli na naman niyang guluhin ang buhok ko at tumakbo siya palayo.

Kainis!

Inayos ko ang buhok ko at hinabol siya. "Hey!" I shouted.

Pero natigilan ako nang biglang tumigil sa pagtakbo si Crystal kaya nilapitan ko siya agad.

"Crystal, are you okay?" I asked.

"A-Ayos lang ako..." Bakas sa mukha niya na parang may iniinda siyang sakit.

"Sigurado ka ba?" nag-aalangang tanong ko.

Tumango lang siya sa 'kin bilang sagot. "Tara na..." she said at naglakad na kami ulit.

Simula noong naging kaibigan ko si Crystal para ko na rin siyang naging kapatid. Kaya sobrang napakahalaga niya para sa akin. Kaya gano'n na lamang din ako kung mag-alala sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay tahimik lang siya. Lumipas ang ilang oras at lunch time na.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon