Chapter 13

16 0 0
                                    

(Sam's POV)

"Hey! Goodmorning Samantha!" My caller greeted, "hello? Sino to?" My caller laughed "it's Noah." Noah? Noah? NOAH! Gosh! "Oh! Napatawag ka?sa'n mo nakuha number ko?" "Chill, nakuha ko kay Nate. Are you available today?" I checked my calendar. Wala naman. Sunday naman e "yes" "okay, i'll pick you up. Be there at nine" "okay" i bit my lip to prevent from screaming, "okay. See you" then the call ended. Grabe!

Tinawagan ko na sila Red para mainform sila na wala muna'ng practice ngayon.

"Hoy Sam?" Well sino pa ba ang madalas sumira ng araw ko? "Oh? Ba't ka pa tumawag?" "Ano'ng wala tayo'ng practice? Uunahin mo pa'ng makipag date kesa magpractice?" "Bakit? Magaling nanaman tayo ah? Tsaka isang araw lang naman. Tsk" "ah! Hindi nga pwede" "bakit ba?" "Basta! Hindi pwede!" "E bakit ako susunod sa'yo? Hmm if i know nagseselos ka noh?" Hahaha jackpot! "Hindi ah" "weh?" "Wag ka nga'ng feeling, gusto kita pero di ako nagseselos. Tsk, baka naman panget ya'ng kadate mo e."
Kung di ba naman talaga halimaw e. Tsk, binabaan ko na ng phone. Badtrip!

(Nate's POV)
Tinawagan ko si Noah para mag gala sana kaso sabi niya may date daw siya. Yung totoo ba't puro may date ang mga tao ngayon?

Mag gagala na lang sana ako mag isa when a thought hit me. Hindi kaya? Si Noah at Sam ang magkadate?! Di pwede yun!

Tinawagan ko naman si Je at nalaman ko'ng nasa Enchanted Kingdom daw si Sam kaya dali dali ako'ng sumunod dun.

Ang daming tao! Ang inet pa, nakailang ikot na yata ako sa buong EK pero walang Sam. Naupo muna ako sa isang bench para magpahinga, pero biglang nahagip ng paningin ko ang couple sa may lake, yung may mga duck yata yun. Lalapitan ko pa sana pero no need!damn it! Sila Sam!

Kelan pa to natuto magdress? Diba siga to?

Nakita ko sila patungo sa Rio Grande, inalalayan siya ni Noah pag sakay, ugh! Ako dapat yun e! Ang daya mo!
Dun ako sumakay sa pangalawang boat. Badtrip lang lagi ako'ng basa. Malas naman.
Maya maya ay bumili sila ng couple short at shirt sa may souvenirs, tapos dumerecho sila sa may kainan.

Nakakapagod naman to. Well sino ba'ng may sabing sundan ko sila? Hayy, malapit na mag sunset! Isang araw silang nagpaikot ikot sa mga rides, samantalang ako eto.

Sa sobrang pagkainip ko, naglaro muna ako dun sa mga mini games kung san may mga mapapanalunan na prizes, may nakita naman ako'ng malaking teddy bear, naisip ko agad si Sam. Kelangan ko yung mapanalunan!

(Sam's POV)
bakit parang kanina ko pa nadadama ang presensya ng isang halimaw?

"Samantha? Takot ka ba sa heights" malambing na tanong ni Noah, "ah eh, haha medyo lang." Ngumiti siya, hay yung mga insekto sa tiyan ko nagwawala! "It's already twilight. I want to witness the sunset." How sweet Nate "tara? Dun tayo sa ferris wheel para mas maganda!" Pag aaya ko sabay hila, napatawa naman siya.

Habang nakapila kame sa may ferris wheel bigla ko'ng nakita si Nate na naglalakad, tumingin ako saglit kay Noah para malaman kung nakita niya rin pero mukhang hindi naman, binalik ko ulit ang tingin ko kung sa'n ko siya nakita pero unfortunately, wala na siya. Namalik mata lang kaya ako? baka nga.

Kinabahan ako agad nung nagsimula ng umikot yung ferris wheel kaya napakapit ako agad sa braso ni Noah na nakaupo sa harap ko, he shrugged and held my hand tightly and securely. "Don't look down. Pag natatakot ka na, just look at my eyes" sabi nya sabay ngiti. Shit! Sa'n ba ko magfofocus, sa nginig ng buong katawan ko dahil sa takot? O sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Noah? Gosh Noah Aldens! I suddenly forgot about heartaches.

"Okay ka na ba?" Tanong nya nung medyo bumibilis na yung ikot nung ferris wheel, "yup. Better, thank you" i replied. Nag stop yung rides para magpasakay ng mga tao sa baba and we stopped right at the top, medyo nakaramdam ako ng panic pero hinawakan ni Noah yung kamay ko "look at the sunset Sam." Tumingin ako and what I saw totally made me breathless. Ang ganda ng sunset "I, uh I know this sounds crazy, but I really like you." Ano daw? Teka pwede pakiulit? "I know about filipino traditions Sam. I will court you, i will work harder to have your answer." Wait! Handa na ba ako? Saglit lang! Oh noes! "Samantha Jane Escalona. Can I court you? " parang nabingi yata ako, naramdaman ko namang umikot na uli yung rides. Please help me find my voice. Pano si Kenji? Nevermind, pano si Nate?! Well. Ngumiti ako sa kanya "yes" "YES! HAHA THANK YOU SAM! THANK YOU." Hinalikan nya yung kamay ko sa sobrang tuwa and I can't help but smile. Pagbaba namin sa rides, tuwang tuwa pa din siya.

"PINAYAGAN NYA KO MANLIGAW! THANK YOU LORD!!!" Sumigaw pa siya dahilan para pagtinginan siya ng mga tao. Ang iba ay tumawa at ngumiti. "C'mon Noah" "oh my God, can you say it again?" "Noah?" Ngumiti siya ulit "Gawd this is crazy, but i'm so inlove with you" di ko naman napigilan na tumawa, he could be so cheesy and korny, but I think he's a shot of light.

(Nate's POV)
"PINAYAGAN NYA KO MANLIGAW! THANK YOU LORD!!!" Narinig ko'ng may sumigaw, hinanap ko kung sa'n nagmula and to my shock! Sabi na e. Noah. At kasama si Sam.

Mukha namang masaya si Sam kaya umuwi na ako, i didn't see that one coming. I swear I felt she like me, pero ba't ganun? Dumating lang si Noah? Wala na ako sa eksena? Di pwede yun. Well mas maganda to, challenging. I'm going to win at all cost. At least di na maaalala pa ni Sam yung gagong Kenji na yun. Yun nga lang I got into a competition. And I'm ready to fight.

Samantha Escalona, if you will be my life, I'm willing to die right now.

Forever in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon